Tuesday, October 2, 2012

Kahit pa i-deny Jennylyn Mercado at Luis nagkakalabuan na nga!

Sayang naman kung hindi lamang sina Paolo Contis at Lian Paz ang mauuwi sa hiwalayan. Madadamay din sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. Sinasabing nagkakalabuan na raw ang dalawa dahil sa pagkakasangkot ng una sa naghiwalay na couple. Walang pagtatanggol sa kanyang sarili na lumalabas mula kay Jennylyn. Bukod sa nauna na niyang pagdi-deny na sangkot siya sa isyu ng dalawa, walang paliwanag pa o paglilinaw sa kung paano siya nasangkot sa dalawa. Si Luis ang nabalitaan na tumawag kay Lian para humingi ng paglilinaw.

Kung wala na ngang remedyo pa sina Paolo at Lian, sana hindi madamay sina Jennylyn at Luis. Marami na ring pinagdaanan ang dalawa. Ngayon pa ba sila susubuking muli?

No comments:

Post a Comment