Tuesday, October 2, 2012

Movie nina Marian Rivera at Coco susubukang isalba

Tama ba ang nabalitaan naming magmi-meeting this week ang Regal Entertainment at kampo ni Coco Martin para muling pag-usapan ang pelkula ng actor at ni Marian Rivera na nauna nang nabalitang shelved.
Umaasa ang lahat na maaayos ang problema at matuloy na ang Marian-Coco movie na hinihintay na ng kani-kanilang fans. Sayang ang maraming paghahanda at excitement ng lahat kung mauuwi lang sa drawing.
Habang hinihintay ni Marian ang pagkatuloy ng movie nila ni Coco, may uunahin siyang gawing pelikula. This week na rin ang meeting para rito para pag-usapan ang script, may napili ng director at sa October 13, na ang target first day shooting.

No comments:

Post a Comment