Saturday, October 6, 2012

Kathryn Bernardo ramdam na sikat na ngayon

Sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Princess And I ay aminado ang bida nitong si Kathryn Bernardo na malaki raw ang nangyaring pagbabago sa kanya bilang aktres. “Feeling ko nag-mature ako kasi mas marami akong natutunan ngayon especially with our director. ‘Yan si Direk Rory Quintos na talagang super ang dami mong matututunan sa kanya and very strict talaga siya sa amin, pero in a good way naman. Para matuto kami and para matuto ka na mas maging professional kasi makikita mo kung gaano ka-professional si Tito Albert (Martinez),” pahayag ni Kathryn.

Pakiramdam ng dalaga ay naging mas naging sikat pa siya ngayon dahil sa pagganap niya bilang si Mikay sa kanilang serye. “Ngayon kasi Mikay na tawag nila sa akin. Parang feeling ko, yes graduate na ako sa Mara Clara, hindi na Mara ‘yung tawag sa akin,” natatawang kuwento ni Kathryn.

Samantala, gusto raw magbakasyon ng dalaga sa Hongkong o Singapore kapag magkakaroon ng pagkakataon pagkatapos ng kanilang teleserye

No comments:

Post a Comment