Hanggang ngayon ay palabas pa rin ang pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan ng Kapuso leading man na si Dingdong Dantes at award-winning actress na si Lovi Poe.
Noong Martes, nagkaroon ng Thanksgiving Mass sa 17th floor ng GMA Network Center na dinaluhan ng mga artista at mga producers ng pelikula.
Kahit na hindi magkanda-ugaga sa shooting ng ginagawang pelikula at ng kanyang bagong teledrama, sumaglit si Lovi para makibahagi sa nasabing pagtitipon at makapagpasalamat sa mga miyembro ng press na nagbigay ng mga magagandang reviews tungkol sa pelikula.
Ayon sa kanya, isang magandang karanasan ang pagiging bahagi niya ng Tiktik. “We’re all so happy with the success of our movie. Nakaka-proud na ito’y gawang Pinoy at tinangkilik ng lahat dahil sa ganda ng story at pagkakagawa. I hope this is a step forward for Pinoy movies.”
Samantala, ngayong Lunes (Oktubre 29) magsisimula na ang nakaka-intriga niyang teledrama sa GMA, ang Yesterday’s Bride.

No comments:
Post a Comment