Monday, October 29, 2012

Zendee Rose Tenerefe natuloy na ang pag-apir sa Ellen Show

Ang guesting ni Zendee Rose Tenerefe sa show ni Ellen DeGeneres.

May American twang agad si Zendee nang interbyuhin siya ni Ellen.

 And I Am Telling You.. ang kinanta ni Zendee Rose Tenerefe sa Ellen.

Hindi nahigitan ni Zendee Rose ang performance ni Charice, ang kauna-unahang Filipina at Internet sensation na inimbitahan na mag-guest sa sikat na US show ni Ellen.

Iba pa rin ang timbre ng boses ni Charice.
Ang wrap up party ng cast at production staff ng Walang Hanggan noong Biyernes.

Sama-sama nilang pinanood ang finale episode ng Walang Hanggan.
Hindi nakadalo si Julia Montes sa wrap up party ng Walang Hanggan dahil nagpunta siya sa Amerika para sa Teleserye Royals US Tour ng ABS-CBN sa Hayward, California.
Ang word ward ng viewers ng Walang Hanggan at Luna Blanca na magkasabay na nagwakas noong Biyernes.

Pumalag ang fans ng Luna Blanca sa mga panglalait ng Walang Hanggan loyalists.

Nag-unahan ang magkabilang kampo na maging trending topic sa social media ang kanilang favorite programs.
Negatibo pa rin ang reaksiyon ng publiko sa plano ni Hayden Kho, Jr. na maging active muli sa showbiz.

Nakatatak na sa kanilang isip ang sex video scandal na kinasangkutan ni Hayden.

Sina Regine Velasquez, Kyla at Sarah Geronimo ang special guests sa 8th anniversary concert ni Rachelle Ann Go sa Music Museum noong Biyernes.

Sinuportahan ni Sarah si Rachelle, kahit talent ng rival station ang kanyang kaibigan.
Hinihintay ng Filipino community sa Amerika ang A Secret Affair.

Ipapalabas sa selected theaters sa North America sa unang linggo ng November ang blockbuster movie ng Viva Films.

No comments:

Post a Comment