Saturday, October 6, 2012

Marian Rivera at Glaiza de Castro, sabik na sa pagpapalabas ng 'Temptation of Wife'

 Sabik na ang Kapuso stars na sina Marian Rivera at Glaiza de Castro sa pagsisimula ng Pinoy adaptation ng Koreanovelang "Temptation of Wife" sa GMA-7.

Gaganap si Glaiza bilang si Heidi, isa sa mga babaeng mang-aapi kay Angeline na gagampanan naman ni Marian.

Ayon sa ulat ni Luane Dy sa GMA News nitong Lunes, inamin ni Glaiza na mismo siya ay nagulat sa pagiging intense ng kanyang gagampanang role dahil maliban sa pagiging kontrabida may daring scenes din ito sa dalawang leading men ng palabas.

Naghahanda naman si Marian sa muli niyang pagsabak sa heavy drama kung saan mayroong mga eksenang aapihin siya.

Bukod dito, gamay na raw nila Marian at Glaiza ang isa't-isa pagdating sa paggawa ng mabibigat na eksena dahil nauna na silang nagkasama sa GMA Primetime show noon na Amaya.

Makakasama rin ng dalawang aktres ang Kapuso actors na sina Dennis Trillo bilang si Marcel at si Rafael Rosell bilang si Nigel sa Temptation of Wife. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News

No comments:

Post a Comment