Saturday, October 20, 2012

Marian Rivera, nagsalita na sa isyu tungkol sa boyfriend na si Dingdong at Isabelle

 Tinawanan lang ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang intrigang may romantikong namamagitan sa nobyo niyang si Dingdong Dantes at kapwa Kapuso star na si Isabelle Daza.

“Sa puntong ito sa buhay ko, sobrang saya ko sa piling ni ‘Dong. So wala talaga kahit ano pang bahid ng mga ganun, kaya nakakatawa lang na may ganun isyu talaga," pahayag ni Marian sa panayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute nitong Martes.

 Ayon pa sa aktres, batid nila na hindi maiiwasan ang mga naturang intriga pero ang importante umano ay alam nila ni Dingdong kung ano ang totoo.

Maging si Dingdong ay nagpahayag ng pagtataka kung saan nanggaling ang isyu na nag-uugnay sa kanya kay Isabelle na anak ng dating beauty queen na si Gloria Diaz. (Basahin: Dingdong Dantes on rumor linking him to Isabelle Daza: 'Basta, straight po ako. Hindi po yun totoo')

Pati si Ms Gloria Diaz at ang manager ni Isabelle ay nagbigay ng paglilinaw sa naturang isyu. (Basahin: Isabelle Daza’s camp denies rumor linking TV host-actress to Dingdong Dantes)


Sa ngayon, lubhang abala si Marian sa kanyang mga proyekto tulad ng inaabangang drama series na Temptation of Wife at ang nagbabalik ng reality series na Extra Challenge.

Makakasama ni Marian sa Temptation of Wife sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rosell.

Dahil heavy drama ang Temptation of Wife , nagbiro si Marian na naghanda na siya ng balde-baldeng luha sa naturang serye.

Samantala, si Richard Gutierrez naman ang makakasama ni Marian sa maaksiyong Extra Challenge na malapit na ring mag-umpisa ngayong Oktubre.

No comments:

Post a Comment