Tuesday, October 9, 2012

Movie nila Bea Alonzo at John Lloyd kopya sa buhay ng aktress

“Alam mo kung kaninong story ang The Mistress (ang movie nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo na pinilahan sa takilya)? Sino, tanong ko sa kabilang linya.

“Naku si (binanggit niya ang pangalan ng aktres).”

Really? “Yah. Naging mistress muna siya (name ng actress) bago niya napangasawa ang husband niya ngayon. At mag-ama ha,” dagdag nang tumawag sa akin.

Hala? Kelan pa ‘yun? “Siyempre matagal na ‘yun. May anak na nga sila ng husband niya.”

As in mag-ama rin?

“Yes,” ulit niya.

Nakakawindang though may rumor na noon tungkol sa nasabing isyu pero hindi naman sa mag-ama natsismis.

Malakas talaga ang impact ng The Mistress. Nakalkal tuloy ang tungkol sa actress na   mala-pelikula ang love story.

Aware kaya ngayon ang actress na pinag-uusapan siya dahil sa pelikulang The Mistress?

No comments:

Post a Comment