Tuesday, October 9, 2012

Zanjoe sinabi kay Bea Alonzo na Hinding Hindi sila maghihiwalay

Isa si Zanjoe Marudo sa mga excited sa pagbabalik-tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Star Cinema movie, The Mistress. Bukod pa rito ay inaasahan ding magtatambal ang dalawa sa isang teleserye in the near future. “Fan ako ng John Lloyd-Bea,” pag-aanunsyo ni Zanjoe nang tanungin kung bakit excited siya sa pagtatambal ng kanyang girlfriend at ng mahusay na aktor.

Wala rin daw problema sa kanya kung magkaroon man ng love scenes or kissing scenes ang dalawa sa kanilang ginagawang proyekto. “Dati naman na nilang ginagawa ‘yon,” paliwanag ni Zanjoe.

Nai-isyu rin ngayon na hiwalay na daw sina Zanjoe at Bea, kagaya ng iba pang real-life couples na sina Derek Ramsay-Angelica Panganiban, Rayver Cruz-Cristine Reyes, at Jason Abalos-Jewel Mische. “Hindi pa. Hindi kami maghihiwalay,” paniniyak ni Zanjoe.

Nang kamustahin ang estado ng kanilang relasyon, ang sagot naman ng aktor, “Maganda, maayos, namumulaklak.” Napaka-romantic rin ng mga binitawang salita ni Zanjoe nang hingan ng mensahe para sa kanyang girlfriend. “Bea, hindi tayo maghihiwalay, pangako ‘yan,” nakatutuwang sambit ni Zanjoe.

Samantala, idinagdag din ni Zanjoe na mayroon siyang gagawing teleserye at pelikula pero hanggang doon muna at wala nang karagdagang detalye.

No comments:

Post a Comment