Monday, October 1, 2012

Xian binubusog ng regalo si Kim

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga nina Kim Chiu at Xian Lim dahil malapit nang mapanood sa telebisyon ang pinakabagong teleseryeng Ina, Anak, Kapatid. Malayung-malayo sa kanilang ginawa sa My Binondo Girl sa kanilang ipa­mamalas sa nasabing bagong proyekto.

“Maraming bago sa teleser­yeng ito. ’Yung character ko na ibi­bigay ko para sa viewers ko ngayon, sobrang kakaiba,” bu­ngad ni Kim.

“This is something different, ito na ’yung hinihintay nila. Sana ’yung support nila sa My Binondo Girl. Sana mabigay nila kina Celine at Liam (bagong karakter ng dalawa),” sagot naman ni Xian.

Malaki na talaga ang ipinagbago ng samahan ngayon nina Kim at Xian mula nang unang beses nilang nagkasama para sa isang proyekto.

“Mas naging close kami ngayon. Si Xian sumasama siya sa amin ngayon since kaunti lang friends niya from showbiz, ’yun ang sabi niya, loner siya,” kuwento ni Kim.

Ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pa­nu­nuyo ni Xian sa dalaga.

“Tinatrato niya ng special ang buong pamilya ko. Kahit pumunta siya sa mall show sa Cebu, gusto niyang dalawin lola ko. Sabi ko anong gagawin mo sa lola ko? Sabi niya puwede bang dumalaw sa bahay n’yo? Anong gagawin mo doon? Wala makikikain lang, parang nakakatuwa naman at sana hindi siya mapagod at magsawa. Kapag umaalis siya sa bansa, may pasalubong siya sa akin. ’Yung gift niya na wala namang okasyon, ’yung bag na pink, ’yung Prada bag, sabi ko anong meron, wala lang, mga two months ago siguro,” kuwento pa ni Kim.

“Masaya naman kami kung ano kami, ang ba­hala na kung kailan maging kami or ano man. Tingnan na lang natin. Mas mahirap kasing magtrabaho kung magdyowa kayo,” giit pa ng dalaga.

No comments:

Post a Comment