Ngayon All Saints Day, muling sinariwa ni Alden Richards ang mga masasayang araw niya kapiling ang kanyang ina.
Namayapa na ang ina ni Alden na si Rosario Faulkerson, dahil sa sakit na pneumonia, apat na taon ang nakararaan.
Napag-alaman ng Hot Pinoy Showbiz na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin nila ang mga abo ng kanyang ina. Hindi pa nila ito ipinalibing pagkatapos ma-cremate.
Paliwanag ni Alden, “Ayaw po kasi ng daddy ko, e… saka ayaw din namin, actually.
“Kasi yung presence po kasi ng mom ko, kahit wala na siya physically dun, as long as nandun lang yung urn niya, parang we can feel her.
“Para po maiba… yung kapag patay, nililibing o nilalagay sa columbarium.
“Yung sa amin po, mas pinrefer [preferred] po namin na mag-stay po muna sa amin si Mom kahit after five years.
“Naka-four years na po siya, e.”
Balak daw nila ngayong Undas na ipa-bless uli ang urn ng kanyang ina.
Pinag-iisipan din nila kung pagkatapos ng limang taon ay dadalhin na nila ito sa columbary.
INSPIRATION. Ayon pa sa Kapuso heartthrob, nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ang urn na nakikita niya sa kanilang tahanan.
Tuwing umuuwi raw siya ay dinadasalan niya ito para maramdaman lang daw niyang nandun pa rin sa kanilang tahanan ang namayapa niyang ina.
Sabi ni Alden, “Minsan po pag mag-isa ako, kinakausap ko ang nanay ko na, ‘Ma, lahat naman ng ginagawa kong ‘to, para sa ‘yo. Kasi ikaw naman ang nangarap sa akin na mapunta ako dito.’
“Kung wala po akong motivation na pinanggalingan, hindi ko naman po magagawa ang ginagawa ko ngayon.
“Saka napamahal na po sa amin ang showbiz, napamahal na po sa akin ang pagiging aktor ko po.
“Siguro pagpapasalamat ko na rin sa Diyos at sa nanay ko po.”
Kuwento pa ng Kapuso actor, kung buhay lang daw ang kanyang ina, tiyak na ito raw ang pinakamasaya sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
STAGE MOTHER? May pagka-stage mother kaya ang mommy niya?
“Sa totoo lang, baka may chance,” napangiting sagot ni Alden.
“Kaya lang, ang mom ko talaga, kahit sa school ko po, very supportive—kahit sumasali lang ako sa mga different contest.
“Not to the point naman nakialam. Nandun lang siya to support, quiet lang sa isang tabi.
“Kung matalo, okay lang, tagapalakpak.
“Pero siguro pag sa showbiz, hindi ko rin po masasabi kasi iba-iba rin ang tao, saka iba na po ngayon.”
IN HIS DREAM. Naramdaman naman daw ni Alden na masaya na ang kanyang ina dahil naabot nito ang matagal na nilang pinapangarap.
Nanghihinayang lang siya dahil hindi na niya ito nakakasama sa ngayon.
Kuwento ni Alden, “Sa dreams po, nakikita ko po yung mom ko, pero hindi po siya nagsasalita, e.
“Hindi ko alam kung bakit.
“I can sense happiness dun sa dreams. I can sense na fulfilled siya for us and for my family.
“Hindi lang naman po ako ang naging successful.
“Ang kuya ko po okay sa trabaho niya ngayon. Sister ko po is passing subjects ngayong college na siya.
"Ang dad ko naman doing well in his work.
“Masayang-masaya po ako. I’m very blessed po this year.
“Kung blessed po ako sa 2012, mas blessed po sana ako sa 2013,” asam ni Alden.

No comments:
Post a Comment