Ngayong out in the open na ang relasyong John Lloyd Cruz at Angelica
Panganiban ay hindi pa rin humuhupa ang mga intrigang kinasasangkutan ng
dalawa. Nariyan ang mga kritikong kumukuwestyon na itinago muna ng
ilang buwan ang relasyon nilang dalawa bago umamin; na may engagement
ring na umanong ibinigay si John Lloyd sa girlfriend at niregaluhan pa
ng magarbong sasakyan.
Sa The Buzz
kahapon, may mga kaibigan si Angelica na nagsalita in defense of the
actress at sa mga ipinupukol na isyu sa kanila ni John Lloyd.
Una
na rito si John Prats na matalik na kaibigan at co-star ni Angelica sa
Banana Split. Si John ay ex-boyfriend naman ni Shaina Magdayao na naging
kasintahan ni John Lloyd bago kay Angelica. “In fairness to Angelica, nung mga moments na lumalabas na sila (ni John Lloyd) she talked to me about it. ‘Yun nga ‘yung sinasabi ko ‘yung friendship namin ni Angelica is really unconditional. Syempre iisipin ko, bakit naman ako magagalit sa isang tao na nagpapasaya sa isang tao na mahal ko rin?” ani John.
Inamin
ng aktor na noong una ay nakaramdam siya ng pagkailang subalit
nalampasan niya ito at nakausap din si John Lloyd tungkol dito. “Ang sabi ko lang wag lang niyang sasaktan ‘yung bestfriend ko. Star Magic Ball pa ‘yon. Very brief but after that okay na, very casual na.” Dagdag pa ni John mabuting tao naman si John Lloyd at naniniwala siyang kaya ni Angelica na pangalagaan ang sarili.
Ayon
naman sa non-showbiz friend ni Angelica na si Kevin Samson, bago pa man
daw naging malapit sina John Lloyd at Angelica sa upcoming movie na
24/7 In Love, lumalabas na raw ang dalawa together with their common
friends. Gayunpaman, ang kanilang shooting sa Vietnam ang naging daan
para makapag-usap sila nang masinsinan.
Ayon pa sa kanya, niligawan din ni John Lloyd ang pamilya ni Angelica at mga kaibigan ng aktres upang makuha ang loob nito.
No comments:
Post a Comment