Saturday, November 26, 2011

Gretchen Barreto Pinaghahandaan Na Ang Bagong Serye sa ABS-CBN na Alta

Chika ni Relcie Aquino

Magha-hatinggabi na nang dumating si Gretchen Barretto sa Newport Performing Arts Theater noong Martes, November 22, sa ginanap na 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club.

Napakaganda ni La Greta sa Inno Sotto purple gown na suot niya habang naglalakad sa red carpet papasok ng venue.

Dito na siya nagpaunlak ng interview sa mga TV crew na nag-aabang ng mga artista na dadalo sa nasabing awards night.

Kinakabahan daw na excited daw siya dahil may nominasyon siya para Best Drama Actress para sa teleseryeng magkaribal ng ABS-CBN.

Advertisement

Why Many People Like The Pop Belter of The Philippines "Angeline Quinto". It's NOT ONLY her AMAZING voice.


Saad niya, "I'm very tense tonight kasi after Magkaribal ngayon lang namin malalaman kung ano ang aanihin sa pinaghirapan naming show."

Later that night, naiuwi ni Gretchen ang tropeyo para sa Best Drama Actress.

ALTA. Bago pa man siya pumasok sa venue, nagpaunlak na si Gretchen ng interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media.

Una naming kinumusta sa kanya ang kanyang bagong show sa ABS-CBN, ang Alta.

Ano na ang development sa inaabangang serye niyang ito?

Sagot ni Gretchen, "Nag-trade show na kami, so lumabas na at nai-present na namin sa tao.

"And I think nag-start na sila ng taping nina Angelica Panganiban. Very cool."

Kabilang din sa original cast ng serye sina KC Concepcion, Luis Manzano, Zanjoe Marudo, at Sam Milby.

Pero bago pa man pormal na magsimula ng taping, nagpaalam na si Sam sa show dahil sa nilalakad nitong career sa Hollywood.

Dito na pumasok sa eksena si Diether Ocampo para pumalit kay Sam.

Tinanong namin si Gretchen kung nagkausap ba sila ni Sam bago pa ito nag-backout sa show.

Sagot ng aktres, "Hindi, hindi pa kami nagkausap. Hindi pa kami nag-workshop.

"And nalaman ko na lang na it's Diether Ocampo...and it's also okay dahil Diether is talagang kaibigan ko noon pa."

Paano niya pinaghahandaan ang kanyang role sa teleserye?

Kuwento ni Greta, "Well, of course, basically, kailangang paghandaan physically.

"Nagpi-Pilates ako, nagti-treadmill ako, healthy diet.

"Eating a lot, living a peaceful, quite life.

"Kasi alam ko, siyempre, pag nag-umpisa na, ayan na naman—mga puyat-puyat, nandiyan na naman yung unhealthy living siyempre.

"And pag puyat ka, di ba, kumakain ka ng kahit ano?

"And then, emotionally, I prepared myself also."

Ano ang ibig sabihin niya ng "living a quiet and peaceful life?"

Sagot ni Gretchen sabay tawa, "A, hindi pa ba halata yun? Parang magulo ba ang buhay natin ngayon?"

Pero bawi niya, "Well, I guess nag-iba na rin ang lifestyle ko.

"And I guess, I'm having my priorities now, and I'm more mature now, and more spiritual.

"Prayers—that really changed a lot."

ON CLAUDINE BARRETTO. Speaking of prayers, kasama kaya sa ipinagdadasal ni Gretchen ang kapatid na si Claudine Barretto, na napapabalitang may pinagdadaanan ngayon sa pagsasama nila ng asawang si Raymart Santiago?

Saad ni Gretchen: "A, of course, magkausap kami, and tapos, I'm not about to talk about her personal problems.

"At yun din ang pinag-usapan namin—na kailangang respetuhin ko kung ano yung mga pinagdadaanan niya.

"So, kung ano yung gusto niyang i-divulge, gagawin niya yun on her own because Claudine is an adult.

"Hindi naman siya bata na kailangang ipagtanggol ko, kaya na niya.

"And in fact, kanina lang, nag-usap kami, she wished me good luck for tonight and she said 'be pretty.'

"So, as far as that, puwede kong ikuwento. But more than that, I don't na."

May payo kaya siyang ibinigay sa kanyang nakababatang kapatid?

"Pag kailangan... I don't give unsolicited advice," tugon ni Gretchen.

No comments:

Post a Comment