Saturday, November 26, 2011

Sa Alaska Plano Nina Jolina Magdangal at Mark Escueta Mag-Honey Moon, Tatlong Anak Ang Gusto Nila

Chika ni Jessa Rosal

Bohemian-inspired ang ini-request nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na suutin ng mga bisita sa kanilang garden wedding noong November 21. 

May pagka-Bohemian din ang style ng wedding gown ni Jolina.

Pero dahil sa garden ang setting ng kasalan, nahaluan din ito ng fairy theme dahil sa pakpak na suot ni Jolina sa reception.

Ayon kay Jolina, kinailangan pa nilang orderin sa U.S. ang isinuot niyang pakpak dahil walang gumagawa ng ganoong klase rito sa Pilipinas.

Pero hindi maikakailang masaya at kuntento si Jolina dahil ibinigay ni Mark ang klase ng wedding na pinapangarap nito.

Ani Mark, "Ako naman, mula umpisa, ibinigay ko sa kanya.

"Basta ako, simple lang: gusto ko masaya siya.

Advertisement

Why Many People Like The Pop Belter of The Philippines "Angeline Quinto". It's NOT ONLY her AMAZING voice.


"Hanggang sa magka-bahay kami, sa kanya ko ipapaano lahat yun."

Natatawang biro naman ni Jolina, "Ay, naku, puno ng butterfly yun [bahay], sige ka!"

Ayon pa kay Mark, "Ita-try ko talaga ang best ko na mangyari lahat ng gusto niyang mangyari."

Pero sabi ni Jolina, "Ayoko namang isipin na ako, ako, na puro idea ko yun.

"Hindi naman mangyayari yun kung hindi niya ako tinulungan.

"Yung scrapbook, sa kanya yun, e.

"Yung layout, idea na gawing scrapbook, sa kanya yun.

"Invitation, kanya yun."

Ang nangyayari raw sa kanila, kapag idea ng isa, yung isa ang mag-a-approve.

SWEET AND ROMANTIC. Na-appreciate din daw ni Jolina ang pagiging sweet at romantic ni Mark.

May kuwento nga ang singer-actress tungkol sa ibinigay sa kanya ni Mark pagkatapos ng kanilang kasal.

Ani Jolina, "Niregaluhan niya ako ng ballpen na may naka-engrave na 'Jolina Escueta.'

"Tapos ako, wala akong something sa kanya.

"Parang yung ganoon, hindi sa ballpen yun.

"Kundi parang, 'Okay, iba na ang buhay namin after ng Saturday, kaya bibigyan ko siya ng ballpen, or may gagawin ako para sa kanya.'

"Hanggang ngayon, hindi siya nagbago. Ganoon pa rin siya hanggang ngayon."

What endears Jolina to Mark?

Kinilig naman si Jolina nang marinig ang sagot ni Mark.

Ayon kay Mark, "Si Jolina, kung paano niya ma-appreciate ang buhay.

"Yun ang natutunan ko sa kanya.

"Kung titingin siya sa isang bagay, yung pinakamaliit na detalye na maganda, makikita niya agad yun.

"And that applies to almost everything in life.

"Minsan kahit pangit yung nangyayari, may sarili siyang point of view na positive.

"Ako kasi, minsan tahimik lang ako, akala seryoso lang ako palagi.

"Pero siya, kapag may nakitang bagay, 'Ang ganda nito, ang galing nito...' Nahahawa ako sa kanya.

"Kaya kapag masaya siya, masaya ko.

"Kapag malungkot siya, malungkot ako.

"At natutunan ko sa kanya to pay attention to the details in life. Parang pangalagaan ninyo yung maliit.

"At siguro kung sweet ako, hindi rin nagkakalayo.

"Grabe rin siya, sobrang thoughtful.

"Ang pinaka-strength yata namin, kaya naming mag-usap—kahit saan, kahit kailan, kahit anong oras, may ilaw, wala, nasa traffic...

"Na alam ko pagdating ng araw na hindi na ako nakakalakad, magkakausap pa rin kami.

"Hindi na ako nakakatugtog, pero alam ko na meron akong best friend na nasa tabi ko."

HONEYMOON. Tila nauuso na ngayon na hindi muna magha-honeymoon pagkatapos na pagkatapos ng kasal.

Sa kaso nina Jolina at Mark, posible raw na sa January o February pa sila makaalis for their honeymoon.

Pero marami kasi silang pinagpipiliang lugar na pupuntahan.

Ayon kay Mark, "May mga relatives din kasi kaming nandito and we want to spend time with them also.

"Tapos sa December, maraming work talaga."

Ang Alaska raw ang isa sa choice nilang puntahan sa honeymoon.

Sabi ni Jolina, "Number one talaga namin ang Alaska dahil sa northern light.

"Pero ang northern light daw, hindi naka-schedule. So, talagang tsatsambahan mo lang.

"If ever na mag-Alaska kami, bibigyan namin yun ng one month.

"Pero kung hindi man, gusto kong ipilit sa kanya ang cruise."

Ayon naman kay Mark, "Suggestion ng tito ko na taga-Alaska, yung Alaskan cruise daw, maganda talaga.

"Kaso, mahiluhin ako sa biyahe. Pero masasanay rin daw."

BABY TALK. Pagdating naman sa pagkakaroon ng baby, nasa punto raw sila na kung magkakaroon na sila at kung ibibigay agad sa kanila, okay sa kanila.

Sabi ni Jolina, "Alam mo naman ang babae, hindi mo masabi.

"Kung ibigay at dumating, sobrang thankful.

"Kung hindi man, huwag mag-give up."

Lalaki raw ang gustong maging panganay ni Jolina.

Aniya, "Gusto ko lalaki na mini-Mark na maliit na bata na nagda-drum."

Si Mark naman, babae ang gustong unang maging anak.

Sabi niya, "Gusto ko ng maliit na Jolina na binibihis-bihisan niya araw-araw."

 Wish daw nilang magkaroon ng tatlong anak.

FAMILY AFFAIR. Kung meron mang pinakamasaya para kina Jolina at Mark, ito ay walang iba kundi ang kani-kanilang pamilya.

Sabi nga ni Jolina, "Ay, naku naman, mula pa umpisa, noong boyfriend-girlfriend pa lang kami, magaan na talaga ang loob ko sa kanila.

"Ikinukuwento ko pa dati na parang nagde-daydream ako na makikita ko ang daddy niya, nakaupo sa coach, tatakbo sa lolo nila at yayakap sa tiyan.

"Yung mommy niya, matsika rin...mommy namin," pagtatama niya sa sarili.

"At saka," patuloy ni Jolina, "maasikaso at nakikita ko na parang thoughtful.

"Kahit walang okasyon, madaan sa ganito, binibili niya mga anak niya ng something.

"Mabait silang lahat."

Saad naman ni Mark, "Ako rin, mula umpisa, parang family ang trato nila sa akin.

"Meron din akong kilalang cousin niya from before and isang uncle-auntie niya, same village kami.

"I'm very thankful na tinanggap nila 'ko ng ganoon. Hindi ako nahirapan at all.

"Kaya rin siguro it might be too soon for some people, na parang three years lang kami, kinasal na kami, pero ganoon kaganda ang event sa pakiramdam ng lahat.

"So, it wasn't a hard decision for me."

RESPECTIVE CAREERS. Pagdating naman sa kani-kanilang careers, ipauubaya pa rin daw ni Mark sa manager ni Jolina na si Perry Lansigan ang career ng kanyang misis.

Pero nandoon daw sila pareho to support each other.

Jolina has been in showbiz for 20 years, habang si Mark naman ay drummer na ng Rivermaya mula pa noong 1994.

Naikuwento ni Jolina sa interview na isa sa gusto rin niyang pasukin ay ang hosting, lalo na ng mga informative shows o sa may makukuhanan ng aral.

Wish naman ni Mark na magkaroon pa ng ibang trabaho bukod sa pagiging musician.

Tapos siya ng kursong Business Administration with Computer Application sa De La Salle University.

Bilang parehong nasa music industry, at si Mark ay nagko-compose at nag-a-arrange din ng mga kanta, meron daw siyang sinimulang i-compose na kanta for their wedding.

 Pero hindi natapos at ayaw naman daw nilang pilitin lang na tapusin.

Pero ayon sa dalawa, mapapakinggan yun sa album ni Jolina under Viva Records, kunsaan si Mark din ang producer. 

No comments:

Post a Comment