Sa kabila ng kanyang busy schedule, nagawa pa ni Dingdong Dantes na bigyang oras ang pamilyang pinangakuan niya ng bahay noong kaarawan niya last year.
Ibinigay na ng My Beloved actor ang nasabing bahay sa pamilya Gonzaga nitong Huwebes, Marso 8, sa Gawad Kalinga Banyuhay Village, Barangay Silangan, San Mateo, Rizal.
Ang pamilyang ginawaran ng bahay ni Dingdong ay naging tampok sa special documentary noon ng aktor at ni Mike Enriquez, ang Report Card, na tumalakay sa estado ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa naturang documentary ay ipinakita ang pagpapalitan ng isang pares ng sapatos ng dalawang magkapatid para sa kanilang pagpasok sa eskuwelahan.
Ayon kay Dingdong, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng turnover ceremony, "Marami namang pamilya pero isa sila sa mga pinaka na-highlight at maraming na-touch sa story nila to the point na maraming gustong tumulong sa kanila.
"Isa na doon ako at ang Yes Pinoy Foundation. So, we were thinking of a way kung papaano kami makakapasok sa pagtulong nga.
Dagdag pa niya, " Siguro isa sa mga pinaka-touching part ng story is kahit na mahirap sila, kasi nakatira lang sila sa ilalim ng tulay, e, hindi sila tumigil sa pag-aaral. May pagpupursigi sila sa pag-aaral.
"So, nakita namin na kahit gano'n ang living conditions nila, talagang on-the-go sila, walang hahadlang sa kanilang pagpasok kahit na sabihing wala pang sapatos at wala pang kagamitan.
"Through the donors and through the help of the foundation, we were able to gather funds."
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, sabi ni Dingdong, hangad niya na magsilbing inspirasyon ang kuwento ng dalawang batang estudyante.
Aniya, "'Yong talagang heroes dito ay 'yong mga bata kasi sila talaga 'yong nagpupursige sa pag-aaral.
"Sabi ko nga, e, sana they will serve as inspiration sa bagong community.
"Kung nagawa nila dati, much more ngayon because they already have a home.
"Hindi na sila nakatira sa ilalim ng tulay, secure na sila dito."
Sa kabilang banda, dahil sa kawanggawang ito ni Dingdong ay nagbiro si San Mateo Mayor Rafael Diaz at tinawag ang Kapuso actor bilang "senator."
Natawa lamang ang Kapuso actor nang marinig ito at muli niyang sinabi na wala siyang balak pasukin ang pulitika.
Sabi pa niya sa PEP, "Natawa naman ako at saka unexpected naman na sabihin niya 'yon.
"Well, I respect his opinion, pero sabi ko, I will always have this stand na I'm better off being an actor. Hindi pa rin nagbabago 'yon."
Hindi rin nalimutan ng aktor na magpasalamat sa mga taong nagbigay ng tulong para maipatayo ang bahay.
"I'm just blessed and I'm just surrounded with very good people—my friends, lahat ng mga tao sa likod ng foundation.
"Talagang collaboration lang talaga ng bawat kaibigan. So, kapag may ganun, maraming magiging posible."
NEW ACTING NOMINATION. Samantala, kinuha na rin ng PEP ang pagkakataong ito upang hingan ng komento si Dingdong sa napapabalitang pagkukuwestiyon sa kanyang nominasyon bilang Best Actor sa na Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc.
Balita kasi ang pag-alma ng kampo ni Laguna Governor ER Ejercito tungkol sa pagkakasama ni Dingdong bilang isa sa mga nominadong aktor para sa pelikulang Segunda Mano.
Hindi nakasama sa Best Actor nominees ng Golden Screen Awards si Governor ER para sa pagganap nito sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
Dahil dito ay binabatikos ng kampo ng gobernador, partikular na ang publicist ng pelikula niyang si Jobert Sucaldito, ang pagkaka-nominate ni Dingdong.
Matatandaang naging magkalaban din sina Dingdong at ER sa kategoryang Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2011 Awards Night, kung saan si Dingdong ang nanalo.
Umalma rin noon si ER sa pagkapanalo ni Dingdong.
Sa bagong isyu na ipinupukol sa kanya ngayon ay nagkibit-balikat na lamang si Dingdong.
Ayon sa award-winning actor, "I'm very flattered na the fact na napasama ako doon [nominees], napabilang ako doon, malaking bagay na sa akin 'yon.
"So, salamat sa bumubo ng EnPress at saka sa PMPC, sobrang maraming salamat."
Nominado rin si Dingdong bilang Best Actor sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club para pa rin sa Segunda Mano; isa rin sa mga nominado rito si Governor ER.
Ano naman ang masasabi ni Dingdong sa pagkakakuwestiyon sa kanyang nominasyon?
"Okay lang 'yon. Free naman tayong magbigay ng assumptions, e, o magbigay ng kanya-kanyang opinyon.
"If that's their opinion, I respect it," sagot niya.
Sabi pa ni Dingdong, mas mahalaga ang mga personal na papuri at pagbati na nakukuha niya sa mga pribadong tao.
Kuwento nga niya, "I was in an event last week. Nakausap ko ang isa sa mga [MMFF] jurors last week, who happens to be the chairman of NCCA [National Commission for Culture and the Arts].
"He was congratulating me dahil nga doon sa Best Actor [award] ko. 'Tapos nalaman ko na isa pala siya sa mga jurors.
"So, malaking bagay sa akin na at least 'yong mga personal na ganung nagsasabi, it makes me feel na talagang deserving.
"Kahit 'yong mga taong nagmamahal sa akin, 'yong mga nakakasalubong ko, okay na sa akin 'yon. Kasi, you can't really please everybody.
"Kaya nga maraming genre ang pelikula. Hindi naman lahat, e, magugustuhan ang comedy. Hindi naman lahat magugustuhan ang horror. Hindi lahat magugustuhan ang action."

No comments:
Post a Comment