Magsisimula na sa Lunes, Marso 12, ang pinananabikang teleseryeng Dahil sa Pag-Ibig na pinagbibidahan ng ilan sa pinakamagagaling at sikat na artista ngayon, gaya nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Maricar Reyes at Christopher de Leon.
Sa nasabing programa ay gaganap si Piolo ng isang pari na aniya ay unang pagkakataon para sa kanya. “It’s interesting, it’s a different role. Iba ‘yung sensitivities niya. Siyempre nangangapa pa rin tayo, but I’m excited kasi it’s a different dimension naman. There’s a carnal desire lurking within kaya ang hirap i-give up ang priesthood [para sa kanya], so mabigat ang burden niya,” paliwanag ng aktor. Ang kanyang role ay nagkaroon ng pagnanasa sa kanyang kinakapatid na ginagampanan ni Cristine.
Pagpapatuloy ni Piolo, mabibigat ang mga eksena pero sinisikap nilang mapagaan ito. “It’s an honor to be part of a project as big as this.” Inalala rin ng aktor ang mga hirap na pinagdaanan nila bago naaprubahan ang proyektong ito. Marami kasi ang kinailangang asikasuhin bago ito sinang-ayunan ng management.
Ikinuwento rin ni Piolo na ang pinakamalaking hamon sa kanya ay ang gumanap ng isang pari lalo pa’t kinailangan niya talagang pag-aralan ang kanyang karakter. “The more challenging part is trying to become somebody else that I’ve not seen. Because sa mga soaps na ginagawa natin, we are exposed six months or three months minimum doing a certain role, so to come up with a new character, a persona altogether, it’s a challenge.” Dagdag niya, “It’s a bonus to work with brilliant actors and good script so ang tatrabahuhin mo talaga ‘yung character mo.”
Naiintindihan naman daw niya ang komento ni Christopher na sinabing mas magaling daw ang mga aktor ngayon sa panahon ni Piolo kumpara sa panahon ng beteranong aktor. “The landscape has changed, the actors now in a way are focused kasi mahirap ‘yung competition, mahirap ‘yung nag-aagawan sa roles. You have to give it your best,” ani Piolo. “Hindi gaya nung sila konti lang sila. Ngayon when you’re given a project, you’re expected to give your best or it might be your last.”
Happy rin siya na may mga natututunan siya sa seasoned actor na nakatrabaho na niya dati sa pelikulang Dekada ’70. Aniya, inspirasyon para sa kanya si Boyet na nananatiling matipuno at mahusay makalipas man ang maraming taon.

No comments:
Post a Comment