Tuwang-tuwa si Jake Cuenca sa pagkakapanalo niya ng Best Supporting Actor award para sa In the Name of Love sa katatapos na PMPC Star Awards for Movies. Ito ang kanyang kauna-unahang acting award. Sabi niya, kahit daw single ang isang tao, hindi na dapat maging malungkot kung nakakatanggap ng ganitong parangal.
Nakangiti rin ang aktor nang hingan siya ng pahayag sa kumpirmasyon ng former Pinoy Big Brother Double Up Edition housemate na si Paul Jake Castillo na nagdi-date sila ngayon ni Melissa Ricks, ang ex-girlfriend ni Jake. “Okay na. Basta ako I’m happy for the both of them. Kung anuman ang nangyayari sa kanilang dalawa, masayang-masaya ako para sa kanilang dalawa at gusto kong maging masaya na rin si Mel. Knowing naman that she’s dating someone and happy, I’m good. At least I know that she’s very happy and I’m happy for her.”
Biniro pa nga ng Push.com.ph ang aktor na may similarity sila ng bagong manliligaw ni Melissa dahil pareho silang “Jake.” “Magkaiba naman kami,” natatawang tugon ng aktor. “Again, wala akong masabi about that, but again, I’m happy for the both of them.”
Hindi naman makapagbigay ng direktang sagot ang aktor nang tanungin kung handa na ba siyang magkaroon ng love life ngayon. “Let’s see, we’ll see. ‘Di ko naman hinahanap.”
Aminado rin siya na mas madaling magtrabaho kapag single, lalo pa’t mahirap at demanding talaga ang trabaho ng isang artista kaya kailangan ng karelasyon na makakaunawa sa trabahong ito. “I want a person that can understand that and I want to understand that person as well kung anuman ang trabaho niya. Bata pa naman ako,” pahayag ni Jake. “Masarap mabuhay na maa-accomplish mo ang lahat ng gusto mong ma-accomplish, tsaka ako magpapakasal. Kumbaga napatunayan mo na ang sarili mo, ‘yun ang gusto kong gawin.
Pero ngayon, focused daw muna siya sa kanyang career. “Gaya ng sinabi ko when I find that right person again, I’m ready. Masasabi ko, natutunan ko na ang mga pagkakamali ko. Feeling ko naman nag-mature na ako with this one year being single. I think my next relationship is going to work out.”
Wala namang pagsidlan ng tuwa si Jake dahil kanyang Best Supporting Actor trophy para sa pelikulang In The Name of Love na pinagbibidahan din nina Aga Muhlach at Angel Locsin. “I didn’t expect it. First acting award ko ito. It was always nominations. ‘Yun nga ang sabi ko, these things happen to people who wait and tonight is my night.”
Biro pa ng binata, “Hindi mahirap maging single kapag may ganitong nangyayari sa buhay mo. For years, hindi ako nano-nominate and in my ninth year going to tenth year in showbiz, nano-nominate na ang mga ginagawa ko and to win an award pa, ang laking bagay. So maraming, maraming salamat.”
Ni hindi nga raw niya ipinagdasal na manalo siya dahil mabibigat ang kanyang mga kalaban na kinabibilangan nina Tirso Cruz III, John Regala, Dennis Trillo at Baron Geisler (nag-tie sila ni Baron sa award). “Kahit pareho kami ni Baron na nanalo ng award, ang laking bagay na no’n kasi si Baron is an award-winning actor, a very good actor. I’m just so touched and happy.”
Ngayong meron na siyang acting award, naitanong kay Jake kung magiging choosy na ba siya sa kanyang mga roles. “I’m going to choose challenging roles. I want to further my craft. Gusto kong gumaling sa pag-arte ko, so the only way to do that is to challenge myself with difficult roles, so that’s what I’m going to do.”

No comments:
Post a Comment