Binuksan ni Enrique Gil ang kanyang damdamin sa publiko sa Showbiz Inside Report tungkol sa kanyang pamilya. Sixteen years old pa lang si Enrique nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa Leukemia. “Ako yung last na nakapag-usap sa kanya, he fell into a coma. Pray ako ng sobra, I’ll be a good boy na. Sabi ko huwag muna kasi si Andi (bunsong kapatid ni Enrique) and inisip ko e kasi Daddy’s girl yun e. Sabi ko si Andi ang bata-bata pa.” Inilahad din ni Enrique kung paano niya nalaman ang pagpanaw ng kanyang Ama. “Yung worst thing pa, nasa school ako noon, may nagtext sa akin kaklase ko ata, ‘Condolence.’ So ako, bakit? E yung project ko sa computer, about family ko pa, biography of my family, dun ako nag-stop. E ‘di ko pa tapos project, so tinapos ko muna. Lumabas ako ng classroom tapos tumawag mom ko, yun na, wala na.”
Inamin din ni Enrique ang mga bagay na namimiss niya sa kanyang ama, “Kahit kumakain lang ng dinner sa bahay, he makes sure na dapat tumatawa lahat. Put everything with happiness lahat so yun namimiss ko sa bahay kung minsan pag quiet. It’s not the same.”
Marami ang nagsasabi na kumpara sa ibang artista napakaswerte ni Enrique sa biglang pagsikat at pagkilala sa kanya sa show business pero dumaan din siya sa paghihintay na dumating sa puntong inakala niyang wala nang mangyayari sa kanyang paghihintay. “Noon kasi dapat ila-launch kami ni Jessy (Mendiola) noon pero hindi natuloy, isang year ata wala akong ginagawa. Parang ‘Ah, tapos na, wala na, baka stop na lang’ pero I believe everything happens for a reason. So after noon Shoutout came out, Good Vibes, dire-diretso. Kapag binigyan ka ng trabaho siguro own it lang? Yung saying ko, ‘Huwag ka maging artista, maging aktor ka.’”
At nang dumating na nga ang biggest break niya bilang isa sa mga host ng youth-oriented show na Shoutout, marami naman ang kumekwestiyon kung bakit siya kinuhang host ng programa at inamin naman niyang nasaktan siya sa mga naging opinion at kumento ng tao sa kanya. “Wala naman kaming ginagawang masama, saka siguro hindi naman ako ganun kasama mag-host sa Shoutout. So parang guys, ginagawa ko lang pinapaggawa sa akin, support na lang.”
At ngayong isa na nga si Enrique sa mga pinakamainit at pinaka-in demand na artista ng henerasyong ito sunod-sunod na ang mga malalaking proyekto niya sa telebisyon. Pati sa pelikula ay sinabak na rin ni Enrique kasabay pa nito ang pagtanghal sa kanya bilang isa sa mga hottest hunks sa showbiz at pagte-trending niya sa Twitter. “I don’t know, na-realize ko lang lately na do you know how important it is to trend, so nung nag-start ako mag-Twitter grabe pala.” At kapag pinagkakaguluhan siya lalo na ng mga babae, “Yung dougie, dun nag-start yun siguro. Kasi lahat ng tao nagdu-dougie na siguro dun na nagsimula.”
At sa estado ng kanyang love life, single siya sa ngayon at nang matanong kung handa ba siya na pumasok ngayon sa isang relasyon, “I don’t know yet, hindi ko masasabi yun. I am enjoying now but if somebody comes and everything is in the right place, and if it feels right pwede na siguro.”
At inilahad na rin niya ang hinahanap niya sa kanyang ideal girl, “Kahit ‘di marunong magluto, basta trying hard magluto para mapasaya ka okay na yan. Gusto ko malambing, simple.”

No comments:
Post a Comment