Ano ang mangyayari kapag ang isang virginal woman ay makakatagpo ng isang playboy?
Ito ang bibigyang buhay nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual sa romantic comedy na Every Breath You Take. Si Piolo ay si Leo, isang career-driven playboy na hindi prayoridad ang paghahanap ng pag-ibig. Almost every week kung magpalit ng girlfriend ang karakter niya na ito.
Si Angelica naman ay si Majoy, a virginal romantic who has been waiting for her true to come. Aksidenteng magkakakilala sina Leo at Majoy on Valentine’s Day. Magkakalapit sila ng loob ngunit ilang insidente ang makakagulo sa kanilang pagsasama.
Ang Rom Com na ito ang magsisilbing offering ng Star Cinema para sa 19th anniversary nito sa taong 2012.
Magbibigay kulay rin sa naturang pelikula ang komedyante na si Ryan Bang. Sa nakaraang press con na ginanap noong Abril 26 sa Dolce Latte sa Quezon Avenue, ikinuwento ng mga artista ang kanilang gagawin para sa pelikula. Ani Ryan, “Patay na patay po ako kay Majoy (na ginagampanan ni Angelica). Nililigawan ko si Majoy pero si Majoy ayaw niya sa akin.”
Ayon kay Piolo, malaki ang naging pagbabago ni Angelica mula noong huli silang magkatrabaho. “Sobra akong bilib sa kanya…how she has evolved, how she has bloomed, how she has blossomed. Bata pa lang ako, pinapanood ko na ito, eh. Every year, you see how she’s always changing for the better…lalo pa siyang gumaganda at lalo pa siyang gumagaling. Mas nagiging comfortable siya sa craft niya. Hindi siya maarte, hindi siya mahirap pakisamahan…”
Biro naman ni Angelica tungkol sa kanyang leading man: “Si Papa P [Piolo], nakita kong mas yumaman pa siya. Pero yung lumaki ang ulo o yumabang, hindi…Ganun siya: masaya, mayaman, laging nanlilibre ng pagkain.”
“Ang gwapo! Pag nakikita mo siya, masaya na ang araw mo. Ayokong umuwi talaga pag nandiya siya. Gusto ko tititigan ko lang siya hanggang ma-pack up.”
Sa pagkakataong ito, kakaibang romantic comedy naman ang ipapalabas ng Star Cinema ngayong May 16 na pinamagatang Every Breath You Take. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Mae Czarina Cruz na siyang nagdirehe rin sa Babe, I Love You (2010) at Catch Me…I’m in Love (2011).
Bukod kina Angelica, Piolo at Ryan, kasama rin sa pelikula sina Carlos Agassi, Frenchie Dy, Janus del Prado, Ketchup Eusebio, Smokey Manaloto, Joross Gamboa, Wendy Valdez, Ryan Eigenmann, Cacai Bautista, Regine Angeles, at Nova Villa. Magkakaroon ito ng red carpet premiere on May 15 (Tuesday) sa SM Megamall Cinema 9.
Sa kakatapos na presscon ng nasabing movie ay nakausap namin si Direk Mae tungkol sa movie at ito ang kanyang ilang pahayag:
How would you compare this movie sa ibang Rom Com ng Star Cinema?
“Mas malakas ang comedy ng film na ito, kumbaga it’s more comedic than romantic, of course, there’s romance. Compared dun sa dalawang ginawa kong movie, medyo kilig-kilig pa talaga yun, dito strong yung comedy with Angelica and Piolo with the support of other cast members.”
Kamusta ka trabaho sina Piolo at Angelica?
“Sobrang saya, kasi ang ganda ng combination nila. Parang ang tagal na naming magkakakilala, ang gaan-gaan lang sa set, a lot of fun working with them. Ang babait na artista, ang galing nila. I’ve learned a lot from them. I’m so impressed! And at the same parang pamilya na kami kaya I miss working with them.”
Tungkol saan po ba ang Every Breath You Take?
“Tungkol ito kay Majoy (Angelica), isang atat na babae, tiktak na siya kaya gusto na niyang magka love life, so nakilala niya itong si Leo (Piolo), na looking for love. But then he’s a wrong guy [kasi] non committal siya. Parang maraming naging obstacle sa kanilang relationship. Doontatakbo ang istorya.”
Do you think makikita din yung chemistry nina Piolo at Angelica sa movie na ito?
“Oh, yes! Definitely, kasi parang ang lakas ng kanilang chemistry, so strong! Sobrang may kilig sa kanila and at the same time, di lang sa kilig even sa romantic, kahit anong eksena, parang they worked well together. May potential na magkaroon pa ng future project ang dalawang ‘yan, not only in comedy even sa drama or other kind of projects.”
How would you compare yung character nina Piolo at Angelica sa movie na ito sa totoong personalities nila?
“Si Angelica rito ay sweet na conservative, kaya nung first shooting day namin, nilagnat siya kasi nga medyo nahirapan siya sa character niya. Pero may pagka lukaret din siya, yun yung side na medyo may pagka Angelica yung character na kenkoy at kalog. Magaling na artista talaga si Angel.
“Si Piolo naman in real life masyado siyang mabait, so, pag meron siyang mga eksena na medyo mayabang, medyo nagtatagal kami sa take lalo na nung nag uumpisa kami kasi nga getting into the role pa lang. Ang bait-bait niya, ang bait ng mata niya, pag may sasabihin siya na medyo payabang, mabait pa rin yung dating, kaya sinasabihan ko siya na angasan pa nang kaunti. Sinasabihan ko siya na sige bolahin mo pa bolahin mo pa, yung ganung klase. He was getting into that character--that’s the big difference from his real [personality].”
Bakit po Every Breath You Take ang title ng movie?
“Ang back story ng song na yan ay about ‘stalker’ parang it’s a stalker song. Para kasing sa story namin sa movie na ito, marami naghahabol, when you watch the film may connection rin naman yung song sa istorya nung movie.”

No comments:
Post a Comment