Sa pagbabalik telebisyon ng Queen of Teleserye Judy Ann Santos, marami ang nag-aabang kung ano ang kakaibang makikita sa bago niyang proyekto. “Well ang masasbi ko lang it’s very relatable siya sa mga babae. Hindi siya yung superhero na hindi magagawa ng normal na tao kasi hindi naman nakakalipad yung mga tao. Pero ang masasabi ko, nakaka-empower ito sa mga kababaihan, sa mga housewife, sa mga magulang, sa mga anak. Kumbaga inspirasyon talaga siya. Hindi ito yung tipo ng soap na imposibleng maggawa dahil walang imposible sa ABS-CBN.”
Sa kabilang banda, ibinahagi naman niya ang kanyang ginagawang paghahanda sa bigating proyektong ito ng ABS-CBN na Against All Odds, “Well may bago akong trainer ngayon na naghahanda sa akin to be fit for this soap, ang pangalan niya ay Trainer Ryan Agoncillo. Yes, ano siya very matiyaga. Maaga kami nagigising kasi sayang naman yung oras na hindi kami makatanggal ng fats involved sa sistema namin. So it’s a good bonding din for the two of us at nakakatuwa na ang sarap magstart ng araw na alam mong nakapagwork out ka at asawa mo yung kasama mo na parang nagsimula ng perfect yung araw mo. So ano kumbaga he is keeping me fit, siya yung nagbabantay ng muscles mo.”
Nagkaroon ba siya ng pagdadalawang isip sa proyektong ito dahil nakakagugol ito ng napakaraming oras na hiwalay sa kanyang pamilya? “With regards to the schedule napag-usapan din. Yun naman ang una kong apprehension bago tumanggap ng series e yung fact na baka mawalan ako ng time sa mga bagets pero napakaunderstanding naman ng buong unit at sana kung maari wala na yung masyadong… ayoko na kasi yung taping, edit tapos palabas na.”
Dagdag din ni Juday, “Parang panahon pa ni Krystala yung nago-shooting ka, tapos... para sa ibang mga kabataan panahon nila yun ngayon, parang tapos na ako dun, sana tapos na ako dun. Ayoko nang balikan yun kasi unang-una ang hirap magprepare ng eksena kung nagmamadali ka, ang hirap maginternalize na hindi ka nakakapag-isip ng maayos and with this project ayaw ko nang pagdaanan ang ganun. Ang tagal kong nagpahinga, at gusto ko siyang karirin talaga at di ko siya gustong karirin talaga, hindi ko kakaririn na magpaka-fit. Hinid ko paghahandaan ang puyat, hindi ko paghahandaan ang energy involved sa teleserye. Ano naman very accommodating naman sila sa request ko pero it’s a give and take relationship naman as well na may mga pagkakatong may ganitong cut off, may ganito, ganyan. Its always been like that with me naman, wala namang hindi napag-uusapan.”

No comments:
Post a Comment