Ipagdiriwang ni Christian Bautista ang kanyang tenth year in showbiz sa isang musical special, The Way You Look at Me: The Christian Bautista 10th Anniversary Special, na ipapalabas sa Sunday’s Best sa ABS-CBN sa July 8. Bukod dito ay magkakaroon din siya ng concert series in celebration pa rin ng kanyang 10 years in the industry na may pamagat na X Class sa Meralco Theater on October 6, 7, 12, 13 at 14. Aside from his singing engagements, busy rin ngayon si Christian with acting because kasama na siya sa teleseryeng Princess And I.
Sa kanyang press conference last Wednesday, June 27, hindi maiwasang itanong kay Christian ang isyu tungkol sa kanyang paglipat sa ibang istasyon na matatandaang pumutok ilang buwan na ang nakalilipas.
“Right now I’m very, very happy [with] where I am. As for the future di ko iniisip whatever happens. I will of course cherish everything that is given to me,” sagot ng singer. Dugtong niya, ayaw niyang pag-usapan ang isyung ito dahil nag-aalala siya na baka may mga ma-offend sa mga posible niyang maging pahayag.
“Nung time na ‘yon [pagputok ng network transfer] kasi parang nawalan ako ng pag-asa nang konti. Nainis ako nang konti. Ngayon mas kumakalma na ako, parang sinabi ng Diyos, ‘Easy ka lang, Ako ang bahala sa ‘yo.’ Kung siya raw ang tatanungin, mas gusto ni Christian na manatili bilang Kapamilya subalit marami raw ang posibleng mangyari.
Sa kanyang isang dekada sa industriya, sinabi ng singer na ang pinakamalaking hamon sa career niya ay ang ma-sustain ito. “How to fight for relevance, for position, how to fight, [how] to stay there. Pag nawala na ‘yung apoy na ‘yon, [iisipin ko] ‘wag na, kakanta na lang ako, hindi na ako mag-gaganito [mage-effort for my career], pera-pera na lang. Pero gusto ko eh,” paliwanag niya.
Importante raw na mag-effort upang sa gayon ay ma-excite din ang mga tao at patuloy na may abangang bago sa kanya. “You have to knock on people. Hangga’t meron ka no’n, hangga’t mahal mo ang trabaho mo, gagawin mo.”
Dagdag pa ni Christian, “Always show a different side [of you] all the time. Something that excites new audiences and old pero wag masyadong lumayo din sa core. Huwag kang lumayo sa core mo pero meron siya dapat something exciting and willingness to fight for your career.”
Sa kasalukuyan kasi, ang tinatangkilik ay ang mga papasibol na mga talent, kagaya raw nina Daniel Padilla, Angeline Quinto, at pati na ang K-Pop. Kaya naman ang tinatrabaho ngayon ni Christian ay ang ipakilala ang sarili na marami pa siyang kayang gawin at maio-offer.
“Ang kailangan namin gawin ay ipakilala muli ang sarili namin. Sarah [Geronimo] is doing a wonderful job. She has a sold-out [concert in] Araneta, another one [is] on the way. I’m not comparing myself. I don’t want something like that because I’m built for something else eh. I’m built for Southeast Asia, I’m built for singing ballads. So this is where I’m focused. Hindi ko na inaaasahan na maging Piolo [Pascual]. Dito ako. Eto ang lugar ko.”

No comments:
Post a Comment