Sunday, July 22, 2012

Aiko Melendez Naniniwalang Mapapatunayan ni Rodrick Paulate na siya ay inosente

Kinuha ng Hot Pinoy Showbiz ang reaksiyon ng aktres na si Aiko Melendez kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng aktor at Quezon City councilor na si Roderick Paulate.
Dati rin kasing nanungkulan bilang konsehal sa Quezon City si Aiko.

Sinuspinde ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Roderick, kasama si Councilor Francisco Calalay Jr., ng anim na buwan dahil diumano sa pagpapasuweldo ng ghost employees.

Nauna nang pinabulaanan ni Roderick ang naturang akusasyon.(Basahin: Paulate denies that he maintains ghost employees)

Ayon kay Aiko, na nakausap ng PEP through Facebook, “I feel sad for Kuya Dick coz ang tagal ko nang friend si Kuya Dick.

“And from what I know about that is hindi guilty si Kuya Dick. And he will prove that in time.

“In fairness to Kuya Dick, hindi naman greedy yun para gawin yun.

“I'm just hoping and praying na malagpasan niya lahat ‘yan."

Dagdag niya, “Nung unang lumabas pa lang yung controversy, which was last year, I spoke to Kuya Dick and I offered him my prayers and my ear to listen.

“And nasabi niya sa akin what triggered everything, and ang basa namin, is politically motivated.

“Coz we all know naman na Kuya Dick is an artista and, minsan, ‘yan ang setback—kapag artista, mainit ang mata ng tao.

“Until hindi pa proven yung kay Kuya Dick, sana ang pakiusap ko sa mga tao is not to judge him.

“Nag-file naman siya ng counter [affidavit] so in no time, he will prove himself."

AIKO’S POLITICAL PLANS.
Samantala, tinanong na rin ng PEP si Aiko kung anong balak niya sa 2013 elections. Tatakbo ba siyang muli at sa anong posisyon?

Pagkatapos niyang manungkulan bilang konsehal ay tumakbong vice mayor ng Quezon City si Aiko noong 2010 elections, pero natalo siya sa nanalong si Joy Belmonte.

Sabi ng actress-politician, “About me running for politics, that I am very happy with the latest survey na nag-number Two ako and si Precious [Hipolito-Castelo] ang nag-number One.

“That only goes to show na mahal pa din ako ng District 2. Naaalala pa din nila yung mga nagawa kong projects while I was still in public office.

“If I were to decide today, the answer is, yes, I'm running.

“I just have to consider also yung prior commitments ko.

No comments:

Post a Comment