Sunday, July 22, 2012

Mga Mentors at Judges ng Protege Naghahanda na para sa simula ng Show

Handang-handa na ang mga mentor at judge sa inaabangang pagsisimula ng biggest Kapuso talent search show na, 'Protégé: The Big Artista Break.'

"It's really mentoring from head to toe, from letter A to letter Z. From number 1 to 100, sa’yo lahat 'yon. Lahat nakasalalay sa’yo kung ano magiging siya," pahayag ng Protégé mentor na si Direk Gina Alajar sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules.

Gayundin, tulad ng mga nangangarap na mabigyan ng big artista break, alam din ng mga mentor na sina Gina Alajar at Roderick Paulate ang hirap sa pag-audition sa mga palabas.

Parehong nag-audition sina Gina at Roderick para sa lead role ng 1960s na pelikulang 'Ang Kaibigan Kong Santo Niño'.

Ayon kay Roderick, "Kapag ako nakakuha dito, kung suswertehin kami na mapipili siya [ang kanyang Protégé], ang sarap ng nagsimula siya na ako 'yong kasama niya and balang araw makikita mo siya na sumisikat."

Bukod dito, naghahanda na rin ang ibang mga mentor tulad nina Jolina Magdangal, Ricky Davao, at Phillip Salvador para sa simula ng Protege.

Kwento ni Phillip, "I may be strict, but I'm also playful. Ayaw ko naman masyado [para magaan din], kasi baka mamaya baka manigas 'yong Proteges ko sa takot. "

"And hindi naman ako gan'on, ano lang talaga, when it comes to my craft, 'yong respeto ko sa craft ko kailangan nandiyan at gusto ko nasa kanila din 'yon, nasa puso nila," dagdag niya.

Samantala, hindi naman biro para sa mga judge na sina Joey de Leon, Direk Bert de Leon, at sa GMA Films President na si Annette Gozon-Abrogar ang papel na kanilang gagampanan sa programa.

Sa katunayan, tulad ng mga co-judges, may kasama nang pag-research ang preparasyon ni Ms. Annette sa kanyang paghahanap ng next big artista.

"Kailangan marami siyang talent not just in acting but also in hosting, singing, and in dancing. Plus, siyempre kailangan may x-factor. At kailangan pwede maging movie star," ayon kay Ms. Annette,

Bukod dito, may mensahe naman ang mentor na si Phillip Salvador para sa magwawagi sa ikalawang season ng Protégé.

"Kapag sila sumikat. Go move forward! Gan'on lang ang sa akin but always look back doon sa pinanggalingan mo para hindi ka maligaw," payo niya.

Mapapanood na ang Inside Protégé sa July 23 sa GMA Telebabad. Malalaman dito ang kwento ng ilang mga nangangarap na mukha ang kanilang artista break.

No comments:

Post a Comment