Bagaman mahirap daw ang paglalagay ng itim na make-up, sinabi ni Bea Binene na hindi siya nagsisisi sa pagtanggap niya sa hit primetime series na Luna Blanca.
Ayon kay Bea, very challenging ang kanyang role sa Luna Blanca kung saan pinaiitim ang kanyang balat bilang dalagitang si Luna.
Kwento ni Bea sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute nitong Lunes, hindi biro ang paglalagay ng itim na make-up sa katawan niya na inaabot ng dalawang oras.
Kailangan din daw kasing matiyak na pantay ang pagkakalagay nito.
Dahil sa tagal ng paglalagay ng make-up, minsan ay hindi raw maiwasan na antukin siya.
"Sa arms pati sa legs. Tapos 'yong, kasi po pati sa likod kailangan lagyan din. Mahirap siya lalo na kasi mainit tapos pawis, tapos humahawa sa damit, tapos sobrang oily sa mukha nung make-up," kwento ni Bea.

Sa kabila ng hirap, itinuturing ni Bea na biyaya ang naturang proyekto.
"Bakit naman po ako magsisisi. 'Yon po 'yong binigay sa akin ng GMA and it's a blessing. Bakit ko po siya (role) tatanggihan at bakit ako magsisisi?," pahayag niya.
Naaawa naman ang co-star ni Bea na si Barbie Forteza, gumaganap na si Blanca, tuwing nilalagyan ng itim na make-up sa kanyang kapwa tween star.
Alam daw kasi ni Barbie kung gaano ito kahirap dahil naranasan din niyang paitimin para sa kanyang role noong sa Nita Negrita.
"Nag-shoot kami [tapos] naaawa ako sa kanya kasi siya parang nakagan'on [nakatingala] lang na ang tagal-tagal. Naaawa ako sa kanyang kasi plug shoot palang iyon," ayon kay Barbie.
Napapanood ang Luna Blanca mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras

No comments:
Post a Comment