Simula nitong Lunes, Hulyo 16, 2012, mapapanood na ang variety show na 'Eat Bulaga Indonesia' na eere sa SCTV Network sa inilunsad na international franchise ng naturang palabas.
"Today marks another milestone for Eat Bulaga as the first international franchise of our show will be launched at 4 p.m. in Indonesia. Eat Bulaga, Indonesia in SCTV," ayon sa opisyal na pahayag ng Eat Bulaga.
Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida sina Uya Kuya, Nardji, Reza Bukan, at si Farid Aja sa 'Eat Bulaga Indonesia' upang magpasaya sa mga bagong dabarkads sa kanilang bansa.
Ayon sa opisyal na website ng SCTV, ang 'Eat Bulaga Indonesia' ang espesyal na handog sa mga manonood kung saan siguradong matutuwa at magiging masaya ang mga manonood dahil sa mga palarong hinanda nila at sa mga papremyong ibibigay.
Sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon ang ilan sa mga host ng Eat Bulaga rito sa Pilipinas.
Kasama rin tuwing Lunes hanggang Linggo ang mga dabarkads na sina Julia Clarete, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Michael V, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Jimmy Santos, Keempee De Leon, Allan K, Toni Rose Gayda, Anjo Yllana, at Pauleen Luna.
Unang umere ang Eat Bulaga sa Pilipinas noong Hunyo 29, 1979 sa RPN 9 at tumagal ito ng tatlong dekada.
Gayundin, kasalukuyang napapanood ang naturang noon time variety show sasa GMA-7 tuwing tanghali bago magsimula ang Drama rama sa hapno ng Kapuso network.
Ilan sa mga programa ng Eat Bulaga ang Pinoy Henyo, Juan For All, at Little Miss Philippines.
Maliban dito, tumutok lang sa Eat bulaga! ngayong Sabado, Hulyo 12 upang malaman ang kumpletong detalye ukol sa naturang Eat Bulaga franchise
No comments:
Post a Comment