Si Dennis Trillo ang bida ng indie film na Ang Katiwala, isa sa mga entry sa New Breed category ng Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.
Ito ang ikalawang indie film ni Dennis; ang una niyang ginawa ay ang Astig na naging entry rin sa Cinemalaya noong 2009.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis kahapon, July 11, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Ayon sa aktor, malaki ang kaibahan ng karakter niya ngayon sa Ang Katiwala at sa Astig noon.
“Malaki po ang pagkakaiba, mga Tondo boys kami do’n [Astig]. So, malayung-malayo. Doon, puro angst, puro galit, puro mura.
“Ngayon naman dito sa Ang Katiwala, quiet, very subtle, very calm, pero merong mga series of events na makakapagpabago do’n sa mood na yun na magugulat ka na lang.
“Aside sa very technical din. Yung grupo ng gumawa, especially yung cinematographer namin, marami nang hinakot na awards yun—si Carlo Mendoza.”
Si Carlo ang cinematographer ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011) na nanalo ng maraming awards sa iba’t ibang award-giving bodies.
INDIE ACTOR. Itinuturing na mainstream actor si Dennis, pero hindi ito naging hadlang upang gumawa siya ng indie films.
Paliwanag niya, “Siyempre, kapag mainstream, meron na rin formula na palaging ginagamit. Eksena na palaging ginagamit, mga artista na palaging ginagamit.
“Pero dito sa indie, nakakapag-experiment kami ng mga bago. Out of the box…
“At marami kang nakakatrabaho na, hindi mo alam, may ganito palang klase ng artista na magaling, na hindi mo nakilala noong mainstream lang ang ginagawa mo.
“Kumbaga, napakaraming puwedeng gawin sa indie na hindi puwedeng gawin sa mainstream.”
Mas nandoon ba ang challenge sa indie films?
“Siguro ang maganda lang kasi kapag nakakagawa ka ng indie, napu-fulfill yung mga frustrations mo bilang isang artista.
No comments:
Post a Comment