BALIK-PILIPINAS NA si Anne Curtis matapos ang isang buwang pamamalagi sa Amerika while shooting her first Hollywood film Blood Ransom where she plays a kidnap victim. She left for Los Angeles last May to shoot scenes for the crime thriller which is directed by Fil-Am director Francis dela Torre. Blood Ransom also stars American television actors Emily Skinner and Alexander Doetsch and will be shown in theaters next year.
Ang pelikula ay tungkol kay Jeremiah (Alexander Doetsch), isang Filipino immigrant na nagtatago sa Amerika. He is forced to kidnap Crystal (Anne) na girlfriend ng kanyang Amerikanong boss. Nag-hire ng isang hitman ang kanyang boss para hanapin ang mga kidnappers. However, Crystal doesn’t want to return to her boyfriend. Crystal and Jeremiah develop a dangerous love affair while running away from their captors.
Naging memorable ang stay ni Anne sa US because she was able to meet American actress Jennifer Aniston.
Matagal din siyang nawala sa bansa kaya naman excited siyang bumalik sa kanyang noontime show na It’s Showtime where she is one of the hosts. Anne tweeted, “Good morning, madlang people! I’m baaaaaack!”
“Hmmm what should I do for my welcome back chant today? Any suggestions? :) daaaaaali!…Ano ba yan! Magv-vocalize pa lang ako for ‘Showtime.’ umuulan na. Paano pa kaya pag kumanta na ako? Manila, get your umbrellas out! I’m back!”
Patuloy na binabagyo ng biyaya si Anne. Sunud-sunod ang mga naglalakihang projects na nakalinya para sa kanya. At ito ang klase ng bagyo na masayang sasalubu-ngin ni Anne.
No comments:
Post a Comment