Madamdamin ang kabuuan ng mensahe ni Sharon Cuneta sa ginanap na necrological services para sa yumaong Comedy King na si Dolphy kagabi, July 12, sa Heritage Memorial Park and Crematorium, Taguig City.
Kabilang ang Megastar sa maraming bituin na nagkatipun-tipun para sa ikalawang gabi ng wake, bilang pasasalamat at pagpupugay sa namayapang showbiz icon.
Kasunod si Sharon na nagsalita ng mga naunang sina Eddie Gutierrez, Mother Lily Monteverde, NiƱo Muhlach, German "Kuya Germs" Moreno, Claudine Barretto, at Willie Revillame.
After Sharon came TV5's owner Manny V. Pangilinan; kasunod ang huling mensahe ng mga anak at anak-anakan ni Dolphy, 'tulad nina Eric Quizon, Dolphy, Jr., Marikit at Nicole Quizon, at Maricel Soriano.
Mahaba at makabuluhan ang naturang eulogy services kagabi, bilang isa pang pagpupugay sa yumaong Comedy King.
Nang tumayo si Sharon sa hanay na kinauupuan nina Zsa Zsa Padilla at iba pang kaanak ni Mang Dolphy, bakas na ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa sobrang pag-iyak.
"Ang sabi ko po kanina sa sarili ko, hindi ako iiyak," bungad ni Sharon. "Pero may sariling opinyon yung luha ko, siya po ang labas nang labas."
Napabuntung-hininga muna si Sharon bago nagtuluy-tuloy sa pagpapahayag.
"Hindi po kami naging malapit na malapit ni Tito Dolphy.
"Ang natatandaan ko, nung bata po ako, ang mommy ko [Elaine Cuneta] at itong si Tita Helen [Gamboa] ko, nagkuntsaba na... pinag-audition ako para maging anak ni Tito Dolphy. Eight years old pa lang ako noon.
"Ang direktor ng movie, si Chaning Carlos," banggit ni Sharon sa isa sa mga paboritong direktor ni Dolphy na si Luciano B. Carlos, na malaon na ring namayapa.
"Ako po'y ni-reject [Direk Chaning] dahil ako raw po'y masyadong matangkad.
"Years later, nung nagkikita kami, nasabi ko sa kanya, 'Direk, alam mo, ni-reject mo ako!’"
May magkahalong ngiti at lungkot sa mga labi ni Sharon as she said these words.
"I watched many Dolphy movies in the theater as I grew up. Maliit pa ako, Dolphy movies na rin ang tumatatak sa isip ko...
“Natatandaan ko yung mga Tarzan Vs. Tansan [1963] niya with Vic Vargas... yun nga pong Fefita Fofonggay... Viuda de Falayfay [1973], yung hindi po ako doon natanggap...
"Mahal na mahal din po si Tito Dolphy ng pamilya namin."
Sharon also recalled the time she was set to do an indie film for Unitel Pictures, Crying Ladies (2003), which topbilled her with the late Nida Blanca, Hilda Koronel, Angel Aquino, and Dolphy's son, Eric Quizon.
"When I was shooting Crying Ladies, yung producer po ng Unitel, si Tony Gloria, natatawa siya na excited akong gumawa ng ganung pelikula."
Ginampanan ni Sharon ang papel ng isa sa apat na babaeng ang hanapbuhay ay ang pag-iyak sa mga burol ng mga namayapang Intsik.
Ayon sa actress-TV host, "I really wanted then a proper decent tribute to Tito Dolphy.
“We want to do something different, reintroduce it to his audience and the new generation of fans."
FRIENDSHIP WITH ZSA ZSA. Higit na naging emosyunal si Sharon nang mabanggit niya ang tungkol sa naging friendship nila ni Zsa Zsa Padilla, ang babaeng naging partner ni Dolphy sa loob ng mahigit dalawampung taon.
"I and Zsa Zsa were already friends when we were 18, 19... Zazhing [tawag niya kay Zsa Zsa] was already there when I gave birth to KC [Concepcion].
"Nung nag-umpisa na po yung relationship nila ni Dolphy, witness na po ako sa love story nila."
Public knowledge na naging malaking balita ang kontrobersiyal na ugnayan, sometime in 1989, na naging hudyat ng pagtatapos ng relasyong Dolphy at Alma Moreno.
"Umiiwas na siya [Dolphy] noon," Sharon recalled further.
"Naalala ko po noon, si Tito Dolphy, maraming humusga sa kanya.
“May mga nasaktan siya... and he left with only his clothes packed because Zsa Zsa was his true love."
In a way, naging malapit din si Sharon sa pamilya Quizon o sa ilang direktang kaanak ni Dolphy.
"Si Zia, inaanak ko po, at kaibigan ko si Eric. Si Vandolph po, inaanak ko sa kasal...
“Kung puwede po, parang ako na po ang magpipilit sa pamilya Quizon.
"Parang tatay ko na rin po siya [Dolphy], kulang na lang isiksik ko ang sarili ko sa inyo. Tutal, marami naman anak si Tatay!"
Sa kabila ng mga lungkot, nais din ni Sharon na mangiti ang mga dumalo sa eulogy services, dahil yun nga ang nais ng yumaong komedyante.
At bilang pagpupugay rin kay Zsa Zsa na matalik niyang kaibigan, sa gitna ng mga pinagdadaanan nito, sabi ni Sharon, "We all understand, especially me.
"Zing, mahal na mahal ka niya [Dolphy]... at sinuklian ni Zsa nang sobra-sobra-sobra ding pagmamahal ang ibinigay sa kanya ni Tatay Dolphy!"
WANTED TO DO A FILM WITH DOLPHY. Nagpatuloy pa si Sharon ng pagkukuwento hinggil sa mga huling araw ni Dolphy sa kanyang alaala, ugnay sa pagmamahalan nito at ni Zsa Zsa.
"Nakita ko yun nung dumalaw ako [sa ICU ng Makati Medical Center], parang kinilig pa ako!
"The family was having a 24-hour vigil. Nung binuksan ni Zia yung pinto, tinitingnan ko siya [Dolphy] at dumilat siya.
"'I love you!'" pag-greet daw ni Sharon, sabay-sabi kay Dolphy, "'Shooting na tayo!'"
Kasunod niyon ay ang madamdamin uling pahayag ni Sharon.
"Hindi ko malaman kung bakit... ang isang napakalaking artista... hindi po pinahintulutan ng Diyos na magkaroon ng pagkakataon na makagawa ako ng kahit isang pelikula, kasama niya.
"Hindi po kami nakagawa ng pelikula ni Tito Dolphy… except for a few guestings, sa mga specials niya.
"When Epy [Jeffrey Quizon] and Vandolph guested in my show, sabi ko, 'Gawa tayo [with Tito Dolphy], kahit papa'no, walang bayad...'
"'Eto na naman, hindi na naman ako umabot..." regretted Sharon.
Pero sa isang punto na na-down si Sharon noong mid-1980's, ayon din sa Megastar:
"When I won my first [acting] award, marami pong bumabatikos sa akin.
"But I kept my chin up wherever I went. Dahil alam ng Panginoon, wala akong ginawa."
Ugnay sa pangyayari, natatandaan ni Sharon na sa isa pang pagkakataon, in another showbiz event, na tumanggap ng parangal si Dolphy...
"Tito Dolphy made a speech at ipinagtanggol niya po ako.
"Sabi niya, 'Wag tayong manghuhusga...' That night, I remember, was the night na nabuhayan uli ako ng loob to give my all sa trabaho ko.
"FPJ [Fernando Poe, Jr.] was my best friend sa trabaho ko," banggit din ni Sharon tungkol sa namayapang actor-politician at Action King.
"I was close to him and Tita Susan [Roces]. Si Tito Dolphy, ayoko pong iniistorbo siya."
Sharon was also saddened by the fact that showbiz icons very close to him had died.
Kabilang din dito si Rudy Fernandez na yumao noong 2008, at sa Heritage Memorial Chapels din inilagak ang mga labi nito.
"Nung si Daboy nandito rin, si Lorna [Tolentino, Daboy's widow] pa ang nagku-comfort sa akin. Para tuloy ako ang nabalo..."
DOLPHY AS NATIONAL TREASURE. Hinggil sa pinag-uusapang paggagawad ng National Artist award kay Dolphy, sabi ni Sharon, "Sinasabi na ang dami pang puwedeng maging National Artist... we don't care!
"Si Tito Dolphy ay National Treasure!
"Marami sa amin, artista lang. Sa dami ng trabaho sa mundong ito... ang asawa ko [Senator Kiko Pangilinan], nasa pulitika.
“Alam natin, 'pag panahon ng eleksiyon, talagang gumagasta ang mga pulitiko.
"Kaming mga artista, ang puhunan namin, ang pagmamahal ng sambayanan na hindi mabibili ng kahit anong halaga.
"Nang mawala si FPJ, si Daboy, at ngayon si Dolphy, pakonti na nang pakonti ang mga mapagpakumbaba, na tumululong nang walang kapalit, nang walang fanfare.
"The biggest stars are the humblest—like Tito Dolphy, FPJ, Daboy, and the others that went ahead of us.
"We hope and pray that the business they left and loved will be taken cared by us
"Mahal na mahal po namin ang industriyang minahal din nila. Tao po kami na nagbibigay ng oras para sa kaligayahan ng marami.
"Ang masakit po, nawala na naman ang isang poste.
“Ilang poste na ba ang itinayo niya [Dolphy]? Na kahit nanghihina na, kinuha pa rin siya ng TV5. May poste pa rin siyang iniwan doon."
Katulad ni Dolphy na naikontrata ng TV5, si Sharon ay isa na rin ngang contract artist ng Kapatid network.
MESSAGES OF THANKS. Sa kanyang mga huling pananalita, Sharon has managed to inject some humor in her messages of thanks—as Dolphy would have loved to hear.
"I know there is one place where Tito Dolphy is right now.
“I believe that Tito Dolphy is now with God because of all the people he loved and all the people who truly cared for him.
"Maraming salamat sa pamilya Quizon at sa Panginoong Diyos dahil ibinigay Niya sa atin ang isang Tito Dolphy."
At one point, nabanggit din ni Sharon ang alaala ng yumao niyang ama, former Pasay City Mayor Pablo Cuneta, na aniya'y kasama na rin ngayon ni Dolphy.
"Baka naman si Daddy ang gusto niyang makasama sa pelikula. Huwag naman sanang ang pinag-uusapan nila doon, e, chicks!
"Kasi paramihan sila ng anak..." sabi ni Sharon, na ikinatawa ng maraming dumalo sa eulogy rites.
"To the Quizons, thank you for loving my Zsa Zsa, Nicole and Zia."
Para kay Zsa Zsa pa rin, sabi ni Sharon, "Wala na silang masasabi, pinanindigan mo ang pagmamahal mo.
"Dahil isa pong malakas, matino, at mabuting asawa ang kaibigan ko!"
Then, Sharon shifted back to recalling Dolphy as a fine actor.
"Tandaan natin, siya lang ang lalaking aktor sa buong mundo na nanalong best actress para sa Markova!"
Ang pelikulang Markova: Comfort Gay (2000) ang tinukoy ni Sharon; nanalo ang pelikula sa Brussels International Filmfest para sa pagganap nina Dolphy, Eric Quizon, at Epy Quizon bilang ang yumaong Walter Dempster Jr., na kilalang comfort gay noong panahon ng giyerang Hapon at Pilipino.
"Sorry po, napahaba [ang eulogy ko], alam n'yo naman, ang training ko, kay Kuya Germs!" banggit pa ni Sharon na ikinatawa uli ng mga nakikinig.
"He would like us all to remember him like he was," wika pa ni Mega.
At sa pagsulyap ni Sharon sa casket ng mga labi ni Dolphy, sabi niya, "Daddy... makiki-Daddy na po ako... I can't stand this sight... you don't deserve to be in that box!" mangiyak-ngiyak uling sambit ni Sharon.
"But your soul, I know, is in a special place now... na hanggang sa dulo, gumawa ka pa rin ng mga kabutihan.
"At ang finale, pinag-isa niya ang buong Quizon clan!
"Thank you very much, Tatay Dolphy! Mahal na mahal na mahal po namin kayo!"
No comments:
Post a Comment