Friday, July 27, 2012

Dingdong Dantes Ginagawa na ang second Film sa Star Cinema

Sa event ng isang mamahaling relo, kung saan napiling ambassador si Dingdong Dantes, excited na ikinuwento ng Kapuso actor sa Hot Pinoy Showbiz ang kanyang upcoming movies.

Una na rito ang horror movie na Tiktik: The Aswang Chronicles, na ginawa nila ilang taon na ang nakararaan.

TIKTIK: THE ASWANG CHRONICLES. Ayon ka Dingdong, sa October na ito ipapalabas pero hindi pa niya alam ang eksaktong petsa.

Mula ito sa direksiyon ni Erik Matti para sa produksiyon ng Reality Entertainment.

Pagmamalaki ni Dingdong, “So first time in the history of Philippine cinema, lahat o yung buong pelikula, shot against green screen, chroma lahat.

“Parang yung mga napapanood natin sa mga Hollywood films.

“Pero gusto lang naming sabihin na we can do it, we can also do it the Filipino way.

"It just really needs time.”

Dugtong pa niya, mahirap talaga ang paggawa ng nasabing pelikula dahil umaarte ka na ang nasa paligid mo lang ay isang chroma background.

“Mahirap, e, kasi parang halimbawa may kaaway ako, aswang, di ba, so ini-imagine mo. may aswang dun.

“E, yung aswang, kini-create nila yun sa computer graphics, di ba? So you should have to make your imagination wide.”

Kasama ni Dingdong sa Tiktik sina Lovi Poe, Joey Marquez, Janice de Belen, Ramon Bautista, at LJ Reyes.

Feeling ba ng award-winning actor ay nata-typecast na siya sa mga horror films?

Bago kasi ang Tiktik: The Aswang Chronicles ay napanood si Dingdong sa suspense-horror film na Segunda Mano, entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Sagot niya rito: “Oo nga, e, pero nagkataon lang siguro.

"Pero when I was a kid, mahilig talaga ako sa mga horror movies.

“Nagkataon lang din, kasi itong movie na ito ay parang perfect material para ma-showcase yung computer graphics, e.

“Kumbaga, fantasy and horror, di ba? Pero binabalanse ko naman.

“Meron din naman akong ginagawang movie for filmfest naman.”

ONE MORE TRY. Ang tinutukoy ng actor-TV host ay ang MMFF 2012 entry na One More Try, kung saan makakasama niya sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at si Zanjoe Marudo.

Ito ang ikalawang pelikula ni Dingdong sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Ang una niyang ginawa para sa kanila ay Segunda Mano, ngunit co-produced nila ito ng co-star niyang si Kris Aquino.

Ano ang pakiramdam na nakakatawid siya ng ibang film outfit kahit na nakakontrata siya sa GMA-7?

Sabi ni Dingdong, “Pangalawang beses pa lang naman. Nagkataon lang na naging maganda yung usapan.

“Ako, I feel very lucky na I was given this very rare opportunity, so maganda kasi na nakakasubok tayo ng ibang projects, ibang trabaho, ibang makakasama.

“Kasi maliit lang naman yung industriya. Siyempre nagkakatulungan tayo.

“Malaking bagay na nakakatawid ako, pero loyal pa rin naman ako dun sa aking original network.”

Kahit na galing sa GMA-7 ang kasama ni Dingdong sa One More Try na si Angel Locsin, first time lang daw itong makatrabaho ng aktor. Bagamat nagkakilala naman daw sila noon sa Kapuso network.

Pahayag ni Dingdong, “Nag-abot naman kami sa GMA before, pero never kami nagkatrabaho.

“Nakaka-four days na kami ngayon sa shooting ng pelikula.

“Medyo nagwa-warm up pa lang kami, pero masaya kasi kinunan namin yung mga light scenes.

As we go along, medyo pabigat na nang pabigat yun so medyo magandang start yung ginawa namin sa movie.

“It’s an adult drama,” pagtukoy niya sa tema ng kanilang pelikula na idinidirek ni Ruel Bayani.

DREAM PROJECT. Marami mang blessings ang dumating sa kanya, aminado si Dingdong na may gusto pa siyang gawing pelikula na hindi pa niya talaga nasubukan.



“Mga biopic, like Ninoy Aquino. Gusto lang, pero it doesn’t mean that I have to.

“Maganda lang kasi na meron kang inspirasyon, e, na hindi naman kailangang parating gawin mo.

“Pero to keep me going and para gaganahan ka sa pang-araw-araw na gawain mo," saad niya.

No comments:

Post a Comment