Katulad din ng ibang reality searches ang Protégé: The Battle For the Big Artista Break, masaya rin ito, nakaaaliw, at nakakainis at the same time. Lalo’t may mga auditionees na feeling mas magaling pa sila sa mga tumatayong mentor, lalo na sa panig ni Jolina Magdangal na akala marahil nila na porke kaedad lang nila ay puwede na nilang hindi seryosohin. Nagkakamali sila. Nakatutuwa ang mga eksena na si Jolens ang tumayong audition master.Bagama’t nakipagbiruan siya sa mga gustong sumali, ipinakita rin niya’t ipinaramdam na hindi siya mababasta-basta.
Sa kalaunan, nakita rin ng lahat na dapat siyang katakutan dahil naroon siya para ihiwalay ang mga may “k” sa wala. Good job, Jolens!
Sa kalaunan, nakita rin ng lahat na dapat siyang katakutan dahil naroon siya para ihiwalay ang mga may “k” sa wala. Good job, Jolens!
No comments:
Post a Comment