Thursday, July 26, 2012

Dingdong Dantes sinaving Hindi mapagseselos si marian ng dahil lang sa movie scene nila ni angel

Si Dingdong Dantes ang surprise guest sa birthday episode ni Marian Rivera sa kanyang weekly sitcom na Tweets for My Sweet, na kinunan noong July 24.

Sa August 12 ito ieere sa GMA-7, na tatapat sa mismong 28th birthday ni Marian.

Magkasunod ang kaarawan ng magkasintahan dahil sa August 2 naman ay ipagdiriwang ni Dingdong ang kanyang 32nd birthday.

Pero hindi pa raw nila napapag-usapan kung paano nila ito ise-celebrate.

Sabi ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Usuallly, alam mong mga planong ganyan, lumalabas lang ‘yan mga three days before.

“Parati kaming cramming pagdating sa ganun, e.

"Mapasimple, mapahindi, ang importante magkasama kami.”

Pero si Marian ay mukhang may pinaplano kung paano nito ipagdiriwang ang kanyang kaarawan.

"Baka may gagawin ako. Siguro this time, may gagawin kaming nakaplano. Sasabihin ko agad sa inyo pag naayos na namin,” sabi ng aktres.

Hindi naman daw mahilig sa party o malaking handaan ang showbiz couple, pero kung sakaling mag-celebrate sila, mas gusto raw nilang ang kanilang mga pamilya lang ang kasama at tahimik lang.

Since si Dingdong ang unang magbi-birthday, may naiisip na raw si Marian kung ano ang ibibigay na regalo para sa boyfriend.

Sabi ni Marian, "Alam ko may gusto siyang isang bag lang na lalagyan ng mga gamit niya, na nasabi niya sa akin, baka yun ang ibigay ko sa kanya.”

Si Dingdong ay wala pang naiisip kung ano ang ibibigay kay Marian, pero tiyak na meron daw.

PHILIPPINE RED CROSS. Nabanggit din ni Marian sa PEP na ang isa sa gusto niyang magawa bago matapos ang taong ito ay ang pagiging active sa Philippine Red Cross.

Aniya, "Meron kaming mga balak at nakikipag-usap kami sa kanila, sa Red Cross, na gumawa ng mga balak at dapat naming gawin.

"Kasi gusto ko sa bawat kaarawan ko, meron akong nagagawa at may goal ako sa araw na iyon, hanggang sa matapos at sa susunod na kaarawan ko uli."

FILM EVERY YEAR. Si Dingdong naman ay meron ding gustong matupad tuwing magbi-birthday siya.

"Ako, parati target ko every year, kailangan mapabilang ako sa isang film na talagang makabuluhan at talagang magiging proud ako.

“It happened last year, na sana this year meron sanang mangyari," asam ng aktor.

Ang tinutukoy na pelikula ni Dingdong noong 2011 ay ang Segunda Mano, kung saan nagkamit siya ng Best Actor award sa Metro Manila Film Festival.

Ang isa pang masasabi ni Dingdong na-achieve niya noong nakaraang taon ay ang pagtatapos ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, na ngayong taon pa lamang maipalalabas.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Dingdong kung ang pelikula niya kasama sina Angel Locsin at Angelica Panganiban, ang One More Try, ang hinahanap niyang achievement sa kanyang career.

Pero may mga daring scenes si Dingdong dito na kailangang paghandaan ng kanyang katawan.

"Masasabi kong mature lang ang pelikula. It's an adult drama, kaya siyempre meron siyang masasabi kong kaakibat na mga eksena," saad ng Kapuso actor.

Dahil sa mga maiinit na eksenang gagawin nila sa One More Try, inaasahang maiintriga si Dingdong sa dalawang leading ladies niya.

Ngunit ayon kay Dingdong, naayos na nila ito ni Marian—na maaaring madamay kapag maintriga ang aktor sa mga eksenang gagawin niya sa naturang pelikula.

Pahayag ni Dingdong, "Klaro naman para sa akin na pinasok ko 'to, at ito ay isang craft at isang trabaho na para sa akin.

"Isang fulfillment din na medyo ibang role din ang gagawin ko, dahil first time ko rin gumawa ng pelikula na adult drama.

"Of course, bilang aktor, matsa-challenge mo parati ang sarili mo. Hindi lang parati paulit-ulit ang ginagawa mo.

“This is something different for me."  

CANCER PATIENT. Iba na rin naman daw ngayon si Marian. Hindi na raw siya magseselos at magpapaapekto sa mga intriga.

Sa halip, ngiti na lang daw ang sagot niya sa mga patuloy na nang-iintriga sa kanya.

Ayaw na nga rin sana niyang patulan ang lumabas sa isang blog kamakailan, at pinik-up ng ibang tabloids, tungkol sa isyung pina-cancel daw nito ang dalaw sa isang batang cancer patient dahil walang available na TV crew na puwedeng mag-cover.

Sabi ng Kapuso actress, "Walang ganun. Walang ini-schedule, at saka wala along kina-cancel na kahit na ano mang bagay na pagdalaw ko.

“May camera man o wala, pupuntahan ko 'yan kung naka-schedule talaga.

"Ang problema, yung sinasabi mo sa akin, wala talagang naka-schedule at hindi ko talaga ire-reject 'yan, kung sakali mang meron."

Ang naaalala lang ni Marian na huli niyang nadalaw ay ang sampung-taong batang babae na may sakit na cancer sa Philippine Children's Medical Center, mga tatlong buwan na ang nakararaan.

Pakiusap sa kanya iyon ng philanthropist na si Pinky Tobiano ng Pinky Cares at pinagbigyan naman ng aktres.

Maraming TV crew ang nag-cover noon, pero hindi rin pinayagan ng doktor na pumasok sila sa kuwarto.

Masaya si Marian na ikinuwento sa PEP na, ayon sa kanyang manager na si Popoy Caritativo, unti-unti nang gumagaling ang batang iyon.

"Oo nga! Tulad ng sinabi mo sa akin, yung dinalaw ko na nagkakaroon na raw ng improvement na gumagaling na siya, tapos lumalakas siya.

“Kaya napaka-thankful ko rin at napakasuwerte ko na dahil sa akin ay nabibigyan ko siya ng lakas.

"Alam mo na dahil sa paghanga niya ay nakakatulong ako kahit papa'no. Siyempre,. mas malaking bagay 'yan para sa akin bilang tao," pahayag ni Marian.

Dagdag pa ng aktres, pinangakuan din niya ang batang iyon na kapag gumaling ay dadalhin niya sa Party Pilipinas.

Kaya kapag magkaroon daw siya ng guesting sa Party Pilipinas, isasama niya ang batang ito bilang pagtupad na rin sa kanyang pangako.

"Masaya ako na nakakatulong ako kahit sa munting pamamaraan ko.”

Kahit naiintriga na ito, hindi pa rin naman daw siya titigil sa pagtulong, kung sakaling merong makiusap pa sa kanya.

"If given a chance at may mga bata na gusto akong makita at baka makatulong ako sa kanila, bakit hindi?" sabi ng GMA Network primetime female star.

Hindi na lang daw pinapansin ni Marian ang mga nakasisirang intrigang ibinabato sa kanya, dahil mas marami raw siyang magagandang bagay na dapat pag-ukulan ng pansin, kesa sa mga negatibong balitang ipinupukol sa kanya.

"Hayaan na lang natin sila. Smile na lang ako.

“Madaming magagandang bagay na nangyari sa akin at mangyayari pa.

“At looking forward ako sa mga bagay na may dadating pa na mas maganda kesa sa di magagandang mangyayari.

“Basta positive lang!" bulalas ni Marian.

No comments:

Post a Comment