"Marami kasi siyang mga takes, baka magcrack yung voice niya at masira din. Much better kung hindi malamig [ang iinumin], di ba? Ganun din kasi ginagawa ko.”
Ito ang paliwanag ni Julie Anne San Jose kung bakit marami siyang advice kay Elmo Magalona kapag may recording. Katatapos lamang nilang mag-record ng isang kanta na posibleng maging bahagi ng soundtrack ng kanilang pelikulang Just One Summer.
“Parang ganun nga [vocal coach], kasi tinutulungan niya rin ako sa mga parts na hindi ako sanay. Iba kasi yung approach ko dito sa song na ginagawa namin, at mas sanay si Julie sa pagkanta ng gan'on, so nanghihingi ako ng tulong sa kanya,” sagot naman ni Elmo.
Kahit naman daw sa mga production numbers nila sa Party Pilipinas, kinokonsulta niya si Julie Anne. “Usually naman gan'on kapag may numbers, tinatanong ko rin sa kanya [Julie Anne] kung paano namin siya mapapatunog ng maganda,” saad ni Elmo.
Excited na rin ang mag-loveteam sa kanilang first movie, na lalabas na sa August 15. “Of course, we’re getting ourselves ready na rin at medyo kinakbahan na rin kami. Since papalapit na ng papalapit ang showing ng movie, parang inexpect na rin namin na sana magustuhan talaga ng mga tao kasi siyempre pinaghirapan namin,” kuwento ni Julie Anne.
Ayon naman kay Elmo, siguradong magugustuhan ng kanilang fans ang pelikulang ito dahil maganda ang kunwento. “Sobrang malawak yung story and marami talagang mangyayari sa family ko, sa family niya. Magco-connect din kami because of that. Most of the scenes sa movie are shot in a farm kaya maganda siya tingnan sa screen,” he explains.
Matagal ng na-ishoot ang Just One Summer, at ngayong ipapalabas na ito, may mga scenes kaya silang gustong baguhin or are they satisfied with their performance?
“So far naman, I’m happy with what I did because we had a lot of help from many people. Nakakatulong din yun at nakakapagbigay ng confidence na maganda yung performance ko,” Elmo replies with a smile.
Kung may regrets man daw siya, natural na sa kanya yun. “I’m used to regretting stuff. I know hindi siya tama, pero ganun ako. Lagi akong nagre-regret sa mga ginagawa kong bagay, na sana mas nagawa ko ng mas maganda yun.”
Si Julie Anne naman, naniniwalang hindi na makapaghintay ang mga JuliElmo fans. “Naririnig namin sa mga tao at nababasa ko sa mga tweets na gusto na nilang mapanood ang movie,” sabi niya.
Hanggang ngayon ay walang patid pa rin ang pasasalamat nina Julie at Elmo sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila.
Ayon pa kay Elmo, “We’re very thankful and blessed na nangyari ‘to because hindi naman talaga siya [loveteam] nagstart sa mga soap. Pero kunwari kahit hindi na kami maging partner sa mga TV shows ay laging may Julie-Elmo sa Party Pilipinas dahil dun nagsimula yun."
We’re different because we’re a singing tandem and that’s why people always look forward to many things sa aming dalawa,” dagdag pa nito.
Sinang-ayonan naman ito ni Julie Anne. Aniya, “We’re experimental nga lang, and we never really expected na we’d go this far as a pair. So we’re really thankful sa lahat ng sumusuporta sa amin and siyempre sa management for giving us this opportunity na makapagpasaya at makapagpakilig pa lalo ng mga tao.”
Patuloy na subaybayan sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona sa Party Pilipinas at Together Forever tuwing Linggo. Mapapanood na ang kanilang pelikulang Just One Summer simula August 15.
Also watch out for Julie Anne San Jose’s Grand Fans’ Day and Debut Album Preview this Saturday, July 28, at 5:00 p.m. in the SM City North EDSA Skydome. Tickets are sold at Php250 with free CD. Ticketing window and gate will open at 10:00 a.m. Japs merchandise will also be available at the venue.

No comments:
Post a Comment