Kung puwedeng bigyan ng superhero title si Jennylyn Mercado, ito ay ang titulong “Superwoman.”
Hindi kasi biro ang mga pinagdaanan at ginagawa ngayon ng 25-year-old actress, singer at TV host.
Hindi naman lihim ang pagiging single mother niya sa ngayo’y apat na taong gulang na anak niyang si Alex Jazz.
Bukod sa mga ito, may iba pang nagsipagdatingang pagsubok kay Jennylyn, pero hanggang ngayo’y nananatiling matibay at nakatayo sa kanyang sariling mga paa ang pinakaunang Starstruck Female Ultimate Survivor.
At ngayon nga’y bukod sa kanyang mga showbiz commitments, may panahon pa siyang subukan ang tibay ng kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng pag-practice ng martial arts na Brazilian jiu-jitsu (BJJ) at muay thai, at pagte-training para sa triathlon competitions.
Paano nga ba nagagawa ni Jennylyn ang lahat ng ito?
“Ako naman kasi, like ngayon, wala na akong talagang time umuwi sa bahay. Uuwi ako sa bahay, matutulog na lang ako,” sabi ng isa sa apat na hosts ng pinakabagong GMA-7 magazine and showbiz talk show na H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis).
Kasama sina Regine Velasquez, Roderick Paulate, at Raymond Gutierrez, humarap si Jennylyn sa Hot Pinoy Showbiz at iba pang miyembro ng media sa presscon para sa nabanggit na bagong Kapuso show, sa 17th floor ng GMA Network Building kahapon, Hulyo 23.
Sa August 5 na ang airing ng show na ito na kapalit ng Showbiz Central.
STILL FINDS TIME FOR JAZZ. Pero sa kabila ng kanyang napaka-busy na schedule, may oras pa rin naman si Jen para sa anak niyang si Alex Jazz.
“Sinasama ko na lang yung son ko sa taping [ng Hindi Ka Na Mag-iisa], tuwing Sunday [for Party Pilipinas] sa studio. And that’s it.
“Kasi hindi ko naman siya puwedeng isama sa mga taping, like yung malalayong lugar na taping, palengke taping… Hindi naman puwede, di ba?
“So, sinasama ko na lang siya pag Party Pilipinas, Showbiz Central. Para lang may time pa rin ako sa kanya,” paliwanag ni Jennylyn.
NOT ORDINARY STORIES. Sa bagong show na kinabibilangan ni Jen, talagang kakaiba at hindi ordinaryong istorya ang ipe-present niya.
“Kung nakita niyo po yung bulag kanina, yung po ang assignment ko,” pagtukoy ni Jennylyn sa audio-visual presentation nung unang bahagi ng presscon, kunsaan ipinakita ang isang atletang bulag na tumatakbo sa isang marathon.
Dagdag pa ni Jennylyn, hindi raw katulad ng dati niyang show na Showbiz Central ang H.O.T TV.
“Hindi siya Showbiz Central na puro tsismis.
“Maraming mga info, mga bagay na hindi pa nalalaman ng mga tao. Like lifestyle ng mga artista, ng iba’t ibang tao sa mundo. Basta, ang dami, iba’t ibang mga story,” pahayag ni Jennylyn.
Mas lalo pa tuloy raw siyang kailangang maging updated sa mga balita, hindi lang sa showbiz kundi maging sa mga world news.
“Kailangan na talagang mas lalo akong maging updated sa news. Sa Twitter nga, pina-follow ko na rin yung CNN. So, kailangan na talaga.
“Dahil hindi lang talaga showbiz ang H.O.T. TV, marami pang ibang istorya,” nasabi ulit ni Jennylyn.

No comments:
Post a Comment