Hirap magsalita ang aktor na si Epy Quizon nang sandaling makausap siya ng media matapos ang necrological service na inihanda para sa kanyang ama na si Comedy King Dolphy.
Ginanap ang necrological service kagabi, July 11, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, sa Quezon city.
Noong una ay nakiusap si Epy na huwag munang siyang kapanayamin dahil ilang araw na raw siyang walang tulog. Subalit kalaunan ay sinagot na rin niya ang ilang katanungan mula sa press.
“Maraming salamat sa inyong lahat. Until now, it’s really just overwhelming,” sabi ni Epy, na isa sa mga anak ng pumanaw na komedyante sa dating aktres na si Pamela Ponti, o Baby Smith sa tunay na buhay.
Katulad ng sinabi ng kanyang kapatid na si Eric at ng pinakahuling partner ng kanyang ama na si Zsa Zsa Padilla, lubos din ang pasasalamat ni Epy sa lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang panalangin para kay Dolphy.
“‘Yon na nga, nao-overwhelm ako maski tuwing nagbubukas ako ng Facebook, Twitter… I never thought it was like this. Akala namin it was gonna be solemn.
“I don’t know, I’m lost with words now.
“I would like to thank the Filipino people all over the world.
“Thank you so much for the prayers, thank you so much.
“Probably those prayers got him back with us and, you know, we were able to communicate with him before he left.”
PREPARED BUT… Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman ng pamilya ni Dolphy na nasa Stage 4 na ang karamdaman nitong chronic obstructive pulmonary disorder (COPD).
Isang buwan pa ring lumaban sa karamdamang ito si Dolphy sa Makati Medical Center.
(CLICK HERE to read related article.)
Ayon kay Epy, kahit papaano ay naihanda na niya at ng kanyang pamilya ang kanilang mga sarili sa anumang posibleng mangyari sa kanilang ama.
Noong Martes, July 10, binawian si Dolphy ng buhay sa edad na 83.
“Tanggap na namin na mawawala siya,” sabi ni Epy.
“Ang masakit doon, tanggap na namin ‘yong mawawala siya, ‘yon ang nakaka-miss, e.
“Lahat naman tayo kailangan nating tanggapin ‘yong dapat mangyari sa atin.
“Pero hinding-hindi ko mapigilan ang sarili ko, e, nami-miss ko ‘yong tatay ko.”
No comments:
Post a Comment