Friday, July 13, 2012

PBB Teen Winner Myrtle Sarrosa On Being a Cosplayer

Ilang araw pa lang mula nang tanghalin siyang Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4, ramdam na raw ni Myrtle Sarrosa ang mga oportunidad na dulot ng kanyang pagkakapanalo.
“Sobrang saya po!” bulalas niya.
“It’s one-of-a-kind experience po and ang dami ko na pong nami-meet! Sobrang saya po talaga. Sobrang blessed.”
Bago pumasok ng Bahay ni Kuya, second year na si Myrtle sa University of the Philippines kunsaan kumukuha siya ng kursong Accountancy. Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang pag-aaral niya?
Sabi ni Myrtle, “Ang plano ko po talaga is mag-next sem, babalik po ako sa UP.
“’Tapos I would do both things at the same time—yung pag-aartista at pag-aaral.
“Kasi if you’re dedicated... at gusto ko talagang mag-aral and i-grab at the same time yung opportunities, gagawin ko po both.
“Kasi marunong naman po ako ng time management.
“Kasi kung mahal mo ang ginagawa mo, kakayanin mo.”
COSPLAYER. Sa presscon kahapon, July 11, para sa Big Four ng PBB Teen Edition 4 ay humarap si Myrtle na naka-costume.
Iniisip ng press na baka hindi mag-match ang plano ng ABS-CBN na gawin siyang wholesome at sweet dahil sa pagsali niya sa cosplay competitions at pagsusuot ng sexy at revealing costumes.
Pero ayon sa cosplayer mula sa Iloilo, “Para sa akin, this is my passion po, this is cosplay po.
“If ganyan 'itsura, character, kopyahin mo po. Kung ganyan ang detalye ng damit niya, kopyahin mo.
“Para po sa akin, mahal ko po yung character pati na yung attitude.
“Para po sa akin, okey lang po for as long as kinokopya mo lang yung character.”
Hindi kaya magkaroon ng conflict sa magiging sweet image niya ang sexy character na pinu-portray niya as a cosplayer?
“Para po sa akin, there’s a difference naman po in me in real life and yung pagku-cosplayer ko po.
“Yung sa cosplayer po, kopyahin mo po kahit yung pananalita nila. Pati yung mga ginagawa nila, yung ginagawa nilang moves.
“Para po sa aming mga cosplayer, wala naman pong malice.”
NOT DESERVING. Maganda ang ipinakitang pakikipag-kapwa tao ni Myrtle sa kanyang housemates sa loob ng bahay ni Kuya.
Ayon sa kanya, totoong katauhan niya ang napanood ng viewers sa kanya at hindi ito gimik lang.
“Kasi po, talagang wini-weigh ko po yung mga values. Ganun po talaga ako at proud po ang mga parents at friends ko sa akin,” sabi niya.
Pero sa kabila nito, may komento ang iba na hindi siya bagay na magbida dahil mas bagay raw sa kanya ang mag-kontrabida. Ano ang reaksiyon niya rito?
“Grabe!” bulalas ni Myrtle.
“Ipapakita ko sa kanila kung ano ako and, like what I’ve said, patutunayan ko pa sa kanila at mas lalo ko pang patutunayan outside world kung sino talaga ako.
“Of course, mabait po ako. Sobra po.”
Maging sa Twitter ay may trending comments din na hindi raw siya deserving manalo sa PBB Teen Edition. Paano naman niya patutunayan na deserving siya?
“Like what I’ve said po na I respect their opinion at hindi ko yun mababago.
“Pero para sa akin po, deserving po ako at ginawa ko yung best ko.
“At para sa akin po, ipinakita ko ang kakayahan ng teenagers na at your age, kahit ganyan ang pangarap mo at mahirap ang pangarap mo, kaya mong abutin.”
Nasaktan ba siya sa mga ganoong komento sa kanya, na hindi pa man siya nabibigyan ng pagkakataon ay hinuhusgahan na siya agad?
“Hindi po ako umiyak. At first na-hurt po ako, pero afterwards, parang tinawanan ko na lang.
“Kasi opinyon po nila yun. Saka mas marami po yung bumoto at sumuporta po sa akin.”
PALABAN. Kapansin-pansin ang pagiging palaban ni Myrtle base sa kanyang pahayag na nagpapakita ng kanyang pagiging matapang na babae.
May pinagdaanan ba siya at kung manindigan siya sa kanyang mga salita ay may diin o bigat?
“Uhm.. I guess po sa experiences ko po. Especially po dun sa second week po.
“Doon po talaga ako mas na-learn ko talaga maging stronger," sabi ng 18-year-old cosplayer.
Maayos naman ba ang samahan nila ng kanyang pamilya? May pinagdaanan din ba siya sa pamilya niya?
Sagot niya, “Happy nga po ako dito kasi nakakasama ko yung mom ko. Kasi yung mom ko, dito [Manila] nagtatrabaho.
“At yung mom ko… kami po, yung dad ko, yung brother ko, nasa Iloilo. Lagi ko po siyang nami-miss.
“Pero ngayon nandito ako sa Manila, lagi kaming magkasama at lagi kaming nagba-bond. So, thankful.”
BULLIED. Pero bata pa raw si Myrtyle ay nagsimula na siyang maging independent lalo’t nakaranas daw siya ng “intense bullying” noong elementary.
“Sinasabihan po ako na malas ako, may curse po ako.
“Wala pong lumalapit sa akin dati. 'Tapos, hindi nila ako kinakausap.
“’Tapos may time po no’ng bata ako na binabato nila. Ginawa nila yung game. Tinatapunan nila ako ng sand, ng sticky.
“Parang ginawa nila akong black sheep ng class dati.”
Hindi kaya dahil may kakaiba siyang karakter o maldita siya sa klase?
“Hindi po…kasi po transferee po ako. Kaka-transfer ko lang po doon sa Iloilo po.
“’Tapos, yun po, parang hindi nila gusto yung transferee. ‘Tapos parang ako yung pinili nilang i-bully.
“Sa studies, ‘pag may project or something, ako yung palaging binibigyan ng opportunities ng teacher namin kaya nagalit sila sa akin.
“And then after that, ginawa nila akong black sheep ng class.”
Paano siya lumaban? Paano niya ipinagtanggol ang kanyang sarili?
“Sabi ko sa sarili… at first parang iyak lang ako nang iyak. I was so weak.
“Pagkatapos ng... over the summer, sinabi ko sa sarili ko na ayoko na, ayoko ng ganito.
“Kasi nag-ask na ako ng help sa mga teachers, pero wala ring nangyari.”
Mula Grade 1 hanggang Grade 2 daw inabot ang pambu-bully ng mga classmates niya kay Myrtle.
“At one point, sinabihan po ako ng mom ko na, ‘I-enrol na lang kita ng taekwondo para marunong kang lumaban.’
“In-enrol nila ako ng taekwondo pero hindi ako marunong mag-taekwondo kaya… yun po, naging favorite ko na po yung wrestling po.”
Pinagdududahan ng isang writer ang kuwentong ito ni Myrtle at sinabihan siyang baka gumagawa lang siya ng kuwento. Sa gaya raw niyang cosplayer, baka tendency na mahilig siyang mag-portray ng character at mag-isip ng kung anu-anong kuwento.
Pero sagot ni Myrtle, “Why would I make it up po kung yun po talaga ang experience ko?
“I would never make up a story po na if I hate the most?”
Pagdating naman sa plano ng ABS-CBN sa kanyang career, wala pa raw alam na detalye tungkol dito si Myrtle dahil wala pang sinasabi sa kanya ang network.




No comments:

Post a Comment