Friday, July 20, 2012

Erik Santos Greatest Theme Songs Concert sa Meralco Theater

Pinaghahandaan ngayon ni Erik Santos ang kanyang susunod na concert sa August 30 at 31 sa Meralco Theater na pinamagatang Greatest Theme Songs Concert. Sa susunod na taon ay ipagdiriwang na ni Erik ang kanyang isang dekada sa industriya at tiniyak niyang magiging malaking selebrasyon din iyon.

Very thankful ang singer na nakasampung taon na siya sa music industry at patuloy pa ring namamayagpag ang kanyang career. Umaasa rin siyang sana ay magpatuloy pa rin ang magandang takbo ng kanyang career sa mga susunod pang taon. “Hindi kasi ako aktor, maybe I can act pero hindi talaga ‘yun ang goal ko sa career ko,” paliwanag ni Erik. “Ang goal ko sa career [is] ko to be like Basil Valdez, Gary Valenciano at Martin Nievera na nag-stick sila sa singing. That’s what they do best and feeling ko ‘yun ang strength ko; mag-offer nang mag-offer ng kanta [na] masaya o malungkot. ‘Yun ang direksyon ng career ko. ‘Yun pa rin.”

Maraming dapat ipagpasalamat si Erik dahil sa kabila ng maraming nagsusulputang bagong mga artists, ay patuloy pa rin siyang tinatangkilik.  “People come and go, siguro maswerte lang kami ni Christian (Bautista) kasi sabay kami nagsimula. Maswerte kami kasi parang na-establish kami nang mabuti ng ABS-CBN na balladeers of this generation. I’m so grateful na hanggang ngayon nandito pa rin ako.”

Para kay Erik, ang kanyang greatest achievement so far ay ang magtagal ng isang dekada sa industrya. “Nakaabot ako ng 10 years na andito pa rin ako. Iba ‘yun eh. Pag nakilala ka ng tao, ang hirap i-sustain, lalo dito sa atin, iba ang sistema ng showbiz. Kaya sabi ko pag nag-usap kami ni Christian napaka-grateful namin na nakasampa kami sa music industry at pag naglabas kami ng album, tinatangkilik ng tao at pag nag-concert kami, pinupuntahan ng mga tao.

But unlike Christian, hindi pinili ni Erik na pumasok na rin sa pag-arte para magkaroon ng mas malawak na exposure. “Totoo, iba talaga ang exposure pag nasa teleserye ka, kaya lang makikipagsabayan ka ba kay Piolo (Pascual) kay John Lloyd (Cruz)? Eh di dun ka na lang sa mage-excel ka, which is singing. ‘Yun ang stand ko, ayoko kasi gumagawa ng isang bagay na half-baked, feeling ko pag nag-acting ako half-baked, kasi hindi naman ‘yun ang career path-ing ko. Dun na lang ako sa singing, dito ako mage-excel, so dito ako kumikita, dito ako masaya, dun ako magpo-focus and dun din ako kukuha ng idea kung paano ko mare-re-establish ang career ko.”

Nasubukan na rin namang mag-musical ni Erik dahil ginawa na niya before ang The Little Mermaid sa entablado. Aniya, ayos lang sa kanya ang mag-musical at gumawa ng mga cameo roles sa mga TV or movie projects. “Siguro ganun lang, cameo [roles] pero ‘yung kakaririn ko ‘yung pag-acting, hindi yata.

“Actually pag nag-musical ka nakaka-addict na eh. Parang gusto mong ulit ulitin. Gusto kong magkaroon ng musical pero Tagalog naman para hindi ako masyadong kinakabahan.”

Ang plano raw ni Erik ay magpakita ng bago sa pamamagitan ng kanyang musika. “Nage-explore kami ng bagong approach, [gaya ng] pagre-record ng bagong kanta. Ang goal namin is mapalakas ang OPM. ‘Yung concert ang perfect venue to show your vesatility mo as a singer,” kuwento niya.

No comments:

Post a Comment