“I want to offer my audience something new,” ito ang paliwanag ni Batangas Gov. Vilma Santos sa mga nagtatanong kung bakit pumayag siyang gumawa ng horror movie, ang The Healing, na ipapalabas ngayong Hulyo 25. Makakasama ni Ate Vi sa nasabing pelikula sina Kim Chiu, Janice de Belen, Pokwang, Martin Del Rosario at marami pang iba.
In line with her upcoming movie, ipinagdiriwang din ni Ate Vi ang kanyang 50th anniversary sa showbiz, kaya naman nagbigay ng tribute ang ABS-CBN sa Star for All Seasons mula sa Showbiz Inside Report (SIR) noong sabado hanggang sa ASAP nitong Linggo. Dahil nga rito ay hindi na niya maiwasang maluha sa tuwa sa ASAP kahapon.
Na-touch nga raw siya sa SIR na pinagpaguran ang nasabing episode sa pamamagitan ng pagi-interview sa mga kaibigan nito at co-stars sa mga nakaraang pelikula niya. Pagdating daw sa ASAP ay tinalakay ang simula ni Ate Vi sa showbiz at matapos ng maraming taon ay nagbigay rin ng mensahe ang mga dati niyang nakatrabaho.
Naisip nga raw niya kung deserve niya ang ibinigay na pagkilala sa kanya. “That’s how I felt di ko makontrol (ang emotions). I was so touched sa lahat ng efforts, hindi birong trabaho ang ginagawa nila,” aniya.
Naitanong din ni Boy Abunda sa veteran actress kung ano ang highest and lowest points ng kanyang showbiz life.
“For the first time when I won grand slam,” sagot ni Ate Vi para sa highest point of her career dahil sa mahusay na pagganap niya sa pelikulang Relasyon. “Hindi lahat (ng awards) nakukuha ng artista mula sa awards-giving bodies.” Malaking bagay raw na kilalanin ng maraming ibat-ibang awards-giving bodies ang pagganap ng isang artista sa isang pelikula.
Para sa lowest moments sa buhay niya, naranasan daw niya na hindi kumita ang ibang pelikula niya at kasabay pa nito ay mga personal na problema. “Dahil sa show business nahiwalay ako, nasira ang marriage ko. So I think pwede ko i-consider ‘yon na low moments ko sa buhay.”
Ibang hamon naman ang hinaharap ni Ate Vi dahil bukod sa showbiz at sa kanyang pamilya, nagsisilbi siyang gobernador ng Batangas. “It’s a matter of time management,” sagot niya nang tanungin kung paano niya hinahati-hati ang kanyang oras. “The inspiration that I get from my family, my first priority. Kahit na ano’ng pagod mo pag sinabing, ‘Mom, I’m so proud of you,’ para ka na namang ginasolinahan.”
Isa raw achievement sa actress-turned-politician na maging kauna-unahang babaeng mayor at gobernador ng Batangas. At kahit daw ano’ng mangyari sa susunod na pagtakbo niya, magiging thankful pa rin siya. “Kung pagkakatiwalaan ako ng Batangas, fine, thank you. I will continue my work with sincerity, wholeheartedly. Pero kung hindi rin, hindi sasama ang loob ko dahil andami kong ginagawa sa buhay.”
Kung siya rin ang tatanungin, hindi rin daw alam ni Ate Vi kung paano niya narating ang estado ng kanyang career. “I don’t know. Hindi naman ito ‘yung sasabihin mo na pinlano. The mere fact that I started in the business since I was 9, more than half of my life, ito na ang bumuhay sa akin. Lahat na halos dito ko na naranasan pero ‘yung maabot ko ‘yung golden sa the industry, modesty aside, kahit paano it’s an achievement.” Lubos naman ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta na aniya ay sila talaga ang dahilan para maabot kung ano man ang kanyang narating ngayon.

No comments:
Post a Comment