Higit pa sa kanyang inaasahan ang reception ng manonood sa tagumpay ng morning teleserye na Be Careful With My Heart, kaya naman walang pagsidlan ng saya at tuwa si Jodi Sta. Maria. “Overwhelmed kaming lahat sa ratings na nakuha namin,” simula ni Jodi nang mag-guest sa The Buzz kahapon, kasama ang kanyang leading man na si Richard Yap. “All we wanted naman was to give our viewers a different show or alternative pagdating sa morning. Sabi nga namin basta maka-two digits na kami, happy na kami. Pero we weren’t expecting na ganito kataas ang ratings.”
Nasabi nga ni Jodi na ito na marahil ang hinihintay niyang pagkakataon para siya naman ang mag-shine. “Siguro sa 14 years na ‘yon (sa showbiz) na-enjoy ko rin naman ang ginagawa kong mga proyekto na ibinibigay sa akin, pero sa 14 years na ‘yon sabi ko, one day darating din ‘yung time ko.”
Last week kasi ay pumalo sa 21 percent ang isang episode ng nasabing teleserye sa tala ng Kantar Media, at consistent na matataas ang ratings nito. Kahit si Richard ay na-overwhelm din sa success ng kanilang proyekto. “As of now I’m still not sure that this is happening.” Tinanong din siya ni Toni Gonzaga kung ibig bang sabihin nito ay may plano na siyang mag-full time sa showbiz. “No plans yet. Just go with the flow with what ABS-CBN is giving me,” aniya.
Samantala, inamin ni Jodi na malaking hamon sa kanya ang kanyang role, mas kilala kasi ang aktres sa pagiging dramatic actress. “Big adjustment ‘yung role ni Maya kasi orientation ko talaga is dramatic talaga so mahirap (lalo na) siguro pagdating sa timing. But then sabi nga ng directors namin, you just have to listen dun sa ka-eksena mo para maibigay mo ‘yung tamang reaction.”
Saludo naman si Richard sa kanyang leading lady at sinabing si Jodi ang nagdadala ng show. “I should give the credit to Jodi, it’s Jodi talaga, ako support lang dito.” Sinagot naman ito ni Jodi na team effort ang dahilan para magtagumpay ang show.
Kuwento pa ni Jodi, malakas ang chemistry nilang dalawa ni Richard dahil inaalalayan nila ang isat-isa para sa ganon ay maging effective ang kanilang chemistry.

No comments:
Post a Comment