Kitang-kita ang happiness ni Iza Calzado nang mag-guest siya sa The Buzz nitong Linggo. Nagbigay pa ng magagandang mensahe ang kanyang kaibigan na si Judy Ann Santos at ang direktor niyang si Wenn Deramas sa upcoming teleserye na Kahit Puso’y Masugatan na magsisimula ngayong Lunes, July 9 sa Primetime Bida. Bungad ng aktres, “Nanginginig at naluluha, such praise from people you love and respect.” First time raw niyang makatrabaho si Direk Wenn pero nakita raw niya kung gaano ito kabait at sobrang maalaga pa.
Ang tanging pokus lang ngayon ni Iza ay sa wakas ay maipapalabas na raw ang kanyang kauna-unahang teleserye bilang Kapamilya. “Ito na ang pagkakataon na matagal ko nang hinintay at masaya ako na maipapakita ko naman sa mga Kapamilya ang kakayanan ko bilang artista,” pahayag niya.
Gagampanan ni Iza ang role ni Andrea sa Kapag Puso’y Masugatan na pinagbibidahan din nina Andi Eigenmann, Jake Cuenca at Gabby Concepcion.
Kilala si Iza bilang mahusay na aktres sa local showbiz at nang tanungin siya ni Boy Abunda kung ano ba ang mas mahalaga sa kanya; ang manalo ng award o ang magkaroon ng mataas na ratings ang show niya. Sinabi ni Iza na mahirap ang tanong dahil parehong importante ang dalawa para sa isang artista. “Both are important pero performance ang inuuna ko. Sa totoo po, if you give a good performance, then you can win an award, then you can have good ratings, so wala po akong prayoridad sa dalawa.”
Si Iza raw ang tipo ng artista na nagi-internalize ng character pagdating sa set. “Pag may kaeksena ako, (iniisip ko) eto siya sa buhay ko, ganyan, tapos gusto ko maramdaman ko talaga agad.” Ibinigay pa niyang halimbawa si Andi na gumaganap na kapatid niya sa serye. “Kaya si Andi kung tratuhin ko sa set ngayon inaalagaan ko (na parang) kapatid ko.”
Hindi rin daw niya dinadala sa bahay ang kanyang karakter at ibinigay pang halimbawa ang pumanaw na aktor na si Heath Ledger na diumano’y sobrang naapektuhan nang gampanan niya ang role bilang Joker sa previous Batman movie.
No comments:
Post a Comment