Thursday, July 19, 2012

Jennylyn Mercado inulan ng Blessings ngayon

Nagkaroon ng blessing ang bagong headquarters ng nalalapit na reality talent search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break, kahapon, July 18, sa Quezon City.
Present sa naturang blessing si Jennlyn Mercado, ang host ng segment na Inside Protégé.
Sumama siya sa pagbi-bless ng bawat kuwarto na gagamitin ng mga mapipiling titira sa Protégé headquarters.
Ang show na ito ay dagdag sa marami nang trabaho ni Jennylyn sa Kapuso network.
“Actually, tamad ako magtrabaho—wala akong gana!” sabay malakas na tawa ni Jennlylyn.
Buong linggo na nga raw siyang napapanood sa GMA-7.
Monday to Friday, napapanood siya sa kanyang pinagbibidahang afternoon drama series na Hindi Ka Na Mag-iisa.
Tuwing Sunday naman ay meron siyang Party Pilipinas at Showbiz Central.
Magtatapos na sa July 29 ang Showbiz Central, pero sa kapalit nitong HOT TV ay kasama pa rin si Jennylyn sa mga hosts.
“Jobless na jobless ako, di ba? May movie pa akong nasimulan [The Bride and The Lover], kaya walang trabaho talaga!” patuloy na pagbibiro ni Jen.
“Pero seriously, nagpapasalamat ako sa Kapuso network sa mga blessings na ibinibigay nila sa akin.
“Natutuwa nga ako kasi kapag may naiisip daw silang show, ako agad ang isina-suggest. Parang ang sarap namang malaman na nagiging priority ka.
“Pero depende naman din kung kakayanin ko pa, di ba?
“Siyempre naman, may ibang buhay din ako, tulad ng pagiging mommy ko kay Alex Jazz. Nakatutok din kasi ako sa kanya.
“Pero hanggang kaya ko, sige, gawin natin. Mahirap na ring tumanggi sa blessings, di ba?”
PROTÉGÉ. Sa August pa raw ipakikilala ang mga napiling mentors ng Protégé na sina Gina Alajar, Roderick Paulate, Ricky Davao, Jolina Magdangal, at Phillip Salvador.
Pero nagsimula na si Jennylyn ng kanyang taping para sa Inside Protégé.
Ayon kay Jennylyn, “Ito kasi ang magiging primer para sa Protégé talaga.
May mga introductions muna ako about the show, tapos ipapakita namin ang Protégé headquarters.
“Bale from Monday to Saturday naman ito. Fifteen minutes ito parati. 
“Malalaman nila ang mga nangyayari sa loob at labas ng tinitirhan nila.
“Ako ang magiging source ng mga nagaganap between the protégés, at kung may ibubuking ako, abangan na lang nila iyon.”
Hindi raw inaasahan ni Jen na muli siyang kukunin para sa Protégé.
Kaya natuwa siya nang sabihin sa kanya na pasok pa rin siya sa season two ng malaking reality talent search na ito ng Kapuso network.
“Last year kasi, first time ko na gawin ang ganung pag-host. Talagang nangapa pa ako noong simula.
“Pero dahil sa naging training ko nga sa Showbiz Central, unti-unti kong nagawa nang tama. Naging kumportable na ako habang ginagawa na namin ang mga episodes.
“Kaya noong sabihin na gagawin ko ulit ang Inside Protégé, natuwa ako kasi exciting ang ginagawa ko.
“Nakikilala ko ang mga protégés kapag hindi pa ako nagte-take.
"Nakikikain ako sa kanila, nakikipagkuwentuhan ako with them.
“Kaya may mga nalalaman akong mga tsismis sa kanila!” lahad ni Jen.
REALITY-SHOW WINNER. Produkto rin si Jennylyn ng isang reality talent search.
Sila ni Mark Herras ang kauna-unahang winners ng highly successful na StarStruck noong 2004.
Ayon sa actress/singer/TV host, malaki ang pagkakaiba ngayon kesa noong panahon nila sa StarStruck.
“Nakakainggit nga ang mga baguhan ngayon sa ganitong mga contest, kasi kumpleto na sila sa mga kailangan nila.
“Kami noon, uuwi pa kami sa mga bahay namin. The next day ay babalik kami at doon lang namin malalaman kung ano ang gagawin namin.
“Unlike ngayon, napaghahandaan na nila. Tsaka wala kaming permanenteng lugar noon.
“Ngayon kasi, pinagsasama-sama na sila sa iisang bahay. Nagkakaroon sila ng interaction every day.
“Kami noon, kung kelan kami magkikita, doon lang kami nagkakausap-usap.”
May advice naman si Jen sa mga magkaka-debelopan habang tumatakbo ang naturang show.
“Hindi naman kasi maiiwasan, di ba? Kapag nagsama sa isang place ang mga lalaki at babae, for sure, may magkaka-debelopan.
“Kami nga ni Mark, hindi naman kami nagkakasama sa isang lugar. May kanya-kanya kaming inuuwian, pero may nangyari pa ring debelopan, di ba?
“What more kung nagkakasama na kayo every day?
“Siguro, advice ko, bilang napagdaanan ko na ang mga ganyan... focus muna sila sa pinasok nilang trabahong ito.
“The very fact na mapipili sila na tumira dito sa Protégé headquarters, may chance silang manalo, kaya kailangan focus, at ang full concentration nila ay ang manalo.
“Hindi naman masama na magkaroon ka ng crush or magustuhan mo ang kasama mo. Natural lang ‘yan sa kabataan.
“Pero maging responsible sila at isipin nila na nandito sila para sa magiging future nila.
“Huwag matigas ang ulo at laging makinig sa nakakatanda sa kanila—or else, matutulad sila sa akin na nagkaroon bigla ng Alex Jazz!” sabay tawa ulit niya.
NO REGRETS. Pero wala namang pagsisisi si Jen sa kinalabasan ng buhay niya ngayon.
Aniya, “Malaking blessing si Jazz sa buhay ko. Iniba niya ang tingin ko sa buhay at lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kanya.
“I’m just saying sa kabataan ngayon na kailangan isipin muna nila ang lahat ng gagawin nila.
"Think of it not once, but twice, thrice, at ilang beses pa.
“If you feel na hindi kayo ready, huwag na ninyong gawin. Mahirap na yung may pagsisisi kayo sa ginagawa ninyo.”
GOODBYE, SHOWBIZ CENTRAL. Nalungkot si Jennylyn nang malaman niyang magpapaalam na sa ere ang Showbiz Central pagkatapos ng limang taon.
Malaki raw ang naitulong ng naturang showbiz talk show sa pagiging host niya ngayon, kaya may kurot sa kanyang puso nang sabihing papalitan na ito ng panibagong programa.
“If not for Showbiz Central, hindi ako magiging TV host,” sabi niya.
“Very thankful ako kasi magandang training ground para sa akin yung show.
“Last year lang ako nagsimula sa kanila at medyo nangapa pa ako.
"Pero dahil magagaling ang mga kasama ko sa show, mabilis akong natuto.
“Marami akong nakuhang tips kung paano bumilis ang pag-catch up ko sa mga pinag-uusapan sa show.
"Nasanay na rin ako sa mabilisang pag-adlib ng spiels.
“Ngayon, kahit na sa mga company parties at out-of-town shows, pinaghu-host na nila ako.
“Dati pinapakanta lang nila ako. Ngayon, kahit sa Party Pilipinas, pinaghu-host na nila ako at siyempre nandiyan din ang Protégé.
“Lahat ‘yan—all because of Showbiz Central, kaya maraming-maraming salamat sa pagbigay ng tiwala sa akin!”
HELLO, HOT TV. Pero kasama pa rin si Jen sa papalit na show sa Showbiz Central, ang HOT TV.
Nag-pictorial na nga raw sila ng co-hosts niyang sina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, at Regine Velasquez-Alcasid.
Kuwento ni Jennylyn, “Ang saya ng pictorial naming apat. Maganda ang vibes at maganda ang energy namin.
"Nagkaroon na kami ng magandang bonding.
"Nakaka-excite, kasi kasama na si Ms. Regine.
“Ang laki na nang 'pinayat niya. Sa kuwentuhan namin, she lost around 25 pounds na. Kinarir daw niya ang pagpapayat.
“Excited din siya to do the show dahil first time siyang gagawa ng talk show. At natutuwa siya na maganda ang vibes niya sa show.
"Kaya ipinagdarasal naming lahat na maging kasing successful ito ng Showbiz Central,” asam ni Jennylyn.




No comments:

Post a Comment