Tuesday, July 24, 2012

Regine Velasquez Unti unti ng Bumalik sa Trabaho

Unti-unti nang nagbabalik ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa trabaho.

Nauna na rito ang pagbabalik niya sa Sunday musical variety show na Party Pilipinas.

Nag-resume na rin siya ng shooting ng pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films na ilang taon na ring nabinbin.

Bukod dito ay may bago siyang show na sisimulan sa GMA-7, ang magazine talk show na H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis).

Ito ang papalit sa timeslot ng Showbiz Central simula August 5.

Sa pagkakataong ito ay isa namang talk show host si Regine, kasama sina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, at Jennylyn Mercado.

“I’ve hosted a show but that’s a variety show and mainly I sing there. Once in a while lang ako naghu-host.

“Other shows that I hosted naman were singing contests. It’s somehow connected to what I do.

“This one, it’s connected with my job, with my work, pero hindi naman ako kakanta. Magku-comment ako nang bonggang-bongga!” tawa ni Regine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Regine sa presscon ng H.O.T. TV kagabi, July 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

TALK-SHOW HOST. Wala ba siyang nararamdamang takot sa gagawin niya sa show?

“Natatakot nga ako kaya nga I had to think talaga.

“Tinanong ko yung asawa ko [Ogie Alcasid] if I should accept it, and he said, why not, bilang marami naman daw akong sinasabi.

“At saka, bilang tsismosa naman daw ako,” tawa na naman niya.

Dagdag ni Regine, “Kaya nga kami naging close ng asawa ko. Every Sunday, tinatanong ko siya, ‘Anong bagong tsismis?’



“Kahit sila, alam nila yun, ako ang tinatanong. Pag-upo ko, ‘Ano ang bagong tsismis?’”

Posible bang babaklain lang niya ang pagbibigay ng opinyon sa show?

“I’m sure, babaklain ko, di ba? Magtataka ka pa ba do’n? Bilang bakla rin ako!” natatawa pa rin niyang sabi.      

Pero may mga pagkakataon na napapaaway ang mga talk-show host dahil sa mga binibitawan nilang komento o opinyon. Ina-anticipate na ba niya ang sitwasyong ganito?

“You know, since I’m also in the same business, I don’t think it would be appropriate for me na magku-comment ako nang alanganin—especially ang liit lang ng showbiz at kilala ko silang lahat.

“At gusto ko ba na may kaaway ako? Siyempre, ayoko.

“Hindi naman sa magpapaka-safe ako palagi, pero siguro, doon lang sa kung ano ang appropriate.

“I will ask questions that are, you know, may question na may relevant naman sa kanila, and also give them time to clear whatever issues they want to clear,” saad ni Regine.

ISSUES ABOUT HER. Dahil host na siya ng isang talk show, does it follow na magiging bukas na rin siya sa mga isyung kasasangkutan niya?

“Somebody asked me the same question… kung kunwari may isyu about me o sa aming mag-asawa—depende yun, e.

“Depende sa sitwasyon na nakalagay kami.

“Kasi, puwede ko namang sabihin na kung may isyu kami, puwede ko namang sabihin sa staff na kung puwede, huwag pag-usapan, and I’m sure they’ll respect that naman.

“At hindi naman ako masyadong naniniwala na kapag host ako ng talk show, e kailangan ibulatlat ko na ang mga baho namin.

“Ang pangit naman, baho talaga!” natawa niyang tugon.

“Pero siyempre, mag-asawa kami. Anumang problema namin bilang mag-asawa, dapat sa amin lang yun. Hindi na kailangang isali ang buong mundo.

“Sabi ko sa kanya, depende kung anong isyu.”

Si Ogie Alcasid daw talaga ang kumumbinsi sa kanyang tanggapin ang H.O.T. TV.

Dagdag ni Regine, “At saka, alam din naman niya kung hanggang saan ang limitation ko. Alam naman niya kung paano ako mag-isip.

“Depende sa isyu. Kung puwede namang pag-usapan, bakit hindi?”

PROUD HUSBAND. Nang malaman noon ni Regine na buntis siya sa panganay nila ni Ogie na si Baby Nate, hanggang sa maipanganak niya ito, nag-lie low talaga siya sa kanyang showbiz career.

Pero ngayong balik-trabaho na siya, ibig bang sabihin ay kaya na niyang iwan si Nate?

Matagal bago nakasagot si Regine at saka inamin na, “Bale, hindi pa rin. Nahihirapan pa rin ako.

“I have to be used to the idea that I’m a mom and I’m a working mom.

“So, kasi noong time na nanganak ako, hindi kaya ako lumabas.

“At saka, siyempre, medyo nahihiya rin akong lumabas bilang madyobis [mataba] pa akey [ako]!

“A year and a half din kaya, ‘no! Kaya nga inis na inis ako kapag may presscon ang asawa ko at pagkatapos dinadala ko.

“Galit na galit kaya ako!”

Sumasama naman siya kay Ogie?

“E, kasi ang asawa ko, ang sweet kasi no’n. He’s proud and he also knows na nakakulong lang ako sa bahay and I also need to be out.

“Sina-shopping ako. Kung saan-saan nga ako dinadala.

“Minsan, aayain lang ako, tapos presscon pala! Minsan, akala ko kung saan, presscon pala!

“Hindi man lang ako nakapag-ayos. Nakapagpakulot man lang sana ako!

“Asawa ko, nakakainis!” tawa nang tawa niyang kuwento.

Sabi naman namin kay Regine, at least, sigurado siya sa mister niya na kahit ano pa ang size niya, mahal pa rin siya nito at ipinagmamalaki.

“Oo naman, ‘no! At saka, palagi pa rin niya akong sinasabihan na, ‘Oh, honey, you’re still the sexiest girl ever!’

“Tapos gumaganito ako, ‘Hmmm talaga? Pero kung makatingin ka sa mga sexy, ha!’”

BABY NATE. Walong buwan na ngayon si Nate. Kung mabibigyan daw sila ng isa pang anak, naniniwala si Regine na blessing talaga yun sa kanila ni Ogie.

Kumusta na ba si Baby Nate ngayon?

“Maingay pero wala pang sinasabing word. Gibberish pa rin.”

Hindi pa naman humahabol sa kanila?

“Kanina humahabol kaya hirap na hirap ako.”

Nagha-hum na rin ba ang anak nila ni Ogie?

“Nagha-hum na,” may pagmamalaking sabi ni Regine.

“At saka, ang hilig niya kapag kinakantahan ko, kahit busy siya sa paglalaro o antok na siya, titingnan niya ako.

“At saka ang mata niya, ang cute… kapag hum lang, na alam niyang pinapatulog lang siya. Pero kapag totoong kanta, kapag may lyrics talaga.”



Ano ang mga kinakanta niya kay Nate?

“Yung favorite niya kapag kinakanta ko, ‘Angel of Mine,’ yung kay Monica. Ang cute-cute niya!"

No comments:

Post a Comment