Kabilang si R&B Princess Kyla sa ipinadala ng GMA Network noong July 22 para mag-perform sa ginaganap na International Exposition Yeosu Korea 2012.
Kasama ni Kyla na lumipad papuntang South Korea sina Gian Magdangal, Jay-R, Down To Mars, at ilang kabataan para ipakita ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng awit at sayaw sa ginanap na Philippine National Day doon.
Ngunit bago sila umalis ay nagkaroon muna sila ng preview ng kanilang performance sa Cultural Center of the Philippines noong Huwebes, July 19.
Lumipad sila papuntang sa South Korea noong July 20, at mananatili doon hanggang ngayong araw, July 24.
Nagsimula ang Expo 2012 Yeosu Korea noong May 12 at aabot ito hanggang August 12, 2012.
PHILIPPINE DELEGATION. Ito ang ikalawang pagkakataong maimbitahan at makapag-perform si Kyla sa South Korea, pero ngayon ay marami na siyang mga kasama.
Excited siya dahil alam niyang big event ang international exposition na ito.
Kuwento ni Kyla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Makakasama namin doon ay mga big names in the music industry of South Korea at ng iba pang countries in Asia, Europe, America, Africa, and the Middle East.
“Mapapanood din namin ang mga gagawin nila doon and we will have a chance to meet them after.
“Big event talaga itong EXPO 2012 Yeosu Korea and we are proud na naimbitahan ang Pilipinas to perform there.
“Yung pinakita namin sa CCP, preview lang yun ng mga gagawin namin doon.
“We are hoping na magustuhan nila doon ang performance namin nina Jay-R, Gian, Down To Mars, at ng iba pa.
“We are thanking GMA-7 for making us a part of this entourage.
“Marami namang puwedeng ipadala doon pero pinili pa rin nila kami, kaya maraming maraming salamat.”
Nakausap ng PEP si Kyla sa CCP Main Theater noong July 19.
NOT PREGNANT YET. Napag-usapan din kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nabubuntis gayong noong November 28, 2011 pa sila ikinasal ng basketball player na si Rich Alvarez.
Ayon kay Kyla, ayaw nilang masyadong ipilit ni Rich, at pinapabayaan na lang nila kung kailan sila mabibiyayaan ng baby.
“It’s not that we are not trying. Effort na effort na nga, e!” tawa ng singer.
“From the time na ikinasal na kami, siyempre, part na yun ng plano namin na magkaroon agad ng baby.
“Pero after kasi ng kasal namin, we both have to work kaagad. So medyo stressed kaming dalawa parati.
“Wala kaming time na yung makapag-relax, yung walang trabaho talaga.
“Kaya imbes na magpaka-trying hard kaming magka-baby, we let it happen na lang.
“Kasi baka the more we try, baka lalong walang mangyari.
“We leave it up to the Lord. Alam namin na we will be blessed with a baby soon.”
Sakaling mabuntis na si Kyla, may posibilidad bang tumigil muna siya sa trabaho para maalagaan ang kanyang pagbubuntis?
“It depends naman siguro. Kung utos ng doctor na magpahinga ako, gagawin ko ‘yon.
“Siyempre, I like to take care of our first baby.
“Kung okey naman at kung mas makakatulong pa yung nagtatrabaho ako habang buntis ako, then walang problema.
“Sabi nga nila, na habang buntis, mas gumaganda raw ang boses mo. Mas tumataas daw ang timbre. Kaya malaking tulong din yun for me.
“Huwag lang daw masyadong bumirit para hindi mapuwersa nang husto.
“Advice nga sa akin, bumirit na lang daw ako kapag manganganak na ako. Para mabilis daw lumabas!” tawa ulit ni Kyla.
TRAVEL TIME. So habang hindi pa raw buntis si Kyla, lahat ng puwede nilang gawin ni Rich ay ginagawa na nila, tulad ng pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa.
“Matagal na nga kaming hindi nakapagbiyahe. Yung kaming mag-asawa lang.
“Mostly mga biyahe ko, trabaho. Siya rin naman, puro sa mga games niya.
Habang hindi pa nga ako preggy, we would love to go to different places.
“Hindi ko na magagawa yun kapag mabuntis na ako,” sabi ng mahusay at magandang singer.

No comments:
Post a Comment