Thursday, July 12, 2012

Zsa Zsa Padilla Nag papasalamay sa mga patuloy pading sumusuporta kay dolphy

Lubos ang pasasalamat ni Zsa Zsa Padilla sa lahat ng mga taong nagdadasal at sumusuporta sa kanya at kanyang pamilya sa pagkawala ng kanyang partner na si Dolphy.
Noong Martes, Hulyo 10, pumanaw ang Hari ng Komedya dahil sa “multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure.”
Siya ay 83 years old.
Nakapanayam ng Hot Pinoy Showbiz at ilang entertainment press si Zsa Zsa ngayong hapon, Hulyo 12, sa Heritage Memorial Park, sa Taguig City.
Una naming kinumusta ang kanyang mga anak kay Dolphy na sina Nicole at Zia, na tila nahihirapan tanggapin ang pagkawala ng kanilang ama.
Ayon kay Zsa Zsa, “Mabuti na rin naman ‘yong ate nila, si Karylle, kasama namin kagabi.
“‘Yon, medyo nahihirapan din sila... uhm, si Nicole kasi is based in Australia.
"So, pagkatapos nito ay babalik na siya ng Australia... nagtatrabaho na kasi siya doon.
“Si Zia naman medyo nahihirapan kasi… Alam ninyo, the past two years, nakasentro ang aming mga schedule at mga lakad kay Dolphy.
"Kahit magbabakasyon kami, talaga namang iniisip namin kung kailangan na ba naming bumalik.
“Kadalasan, nakikiusap kami sa family member, mga anak niya, ganyan, kung puwede magbantay, kung kailangan namin ng konting break.
“So, naninibago kami na hindi na namin kailangan i-consider ‘yong ganyang bagay.
"Katulad kahapon, sabi ko, ‘Zia, we can even go on a vacation without thinking when to come back.’
"Kasi laging, ‘Kawawa naman si Papa, maiiwan si Papa,’ gano’n.
“So, ‘yon, nakakapanibago lang ‘yon.”

LETTING GO. Aminado na hirap pa rin ang singer-actress na tanggapin ang pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay.
Katunayan, bago pa pumanaw si Dolphy ay humihingi na siya ng tulong sa kanyang mga kamag-anak na suportahan siya anuman ang mangyari.
“I don’t know,” malungkot na sagot ni Zsa Zsa nang tanungin kung handa na ba siyang mag-let go.
“A lot of my friends who had the same experience went through the same loss of a mother, a father or a partner. Sabi nila, it really just gets harder.
"Mas magiging mahirap pa daw and, actually, kahit papaano, napag-isipan ko na ito.
“Kaya humingi ako ng tulong sa my closest sister, sabi ko, ‘Kapag nangyari ‘yan, please help me.’
"Kasi mahihirapan ako, I don’t know if I’ll be able to get up from bed. ‘Yon ang mahirap, di ba?
“So, siyempre lahat ia-advice sa ’yo, take it one day at a time.
"Kasi kahit sa ospital, ‘yon ang ginagawa namin, we just take it one day at a time.
“Sabi ko sa kanila, 'Please, kung mawala man si Dolphy…' It was during the hospitalization, a couple of months back, I was crying to her on the phone, sabi ko, ‘Ate, please, bantayan mo 'ko.’
“Nangyari na kasi sa akin na na-depress ako, naalala n'yo ‘yong time na sobrang payat ako dahil I was turning 40, hindi natuloy kasal namin, a lot of things... ano.
“Nawalan ako ng gana sa buhay, ayaw ko nang bumangon, ganyan, naisip ko lang na sana bantayan nila ako ‘pag nangyari ‘yon.
“So, pinauwi niya ang mommy ko. She’s taking care of me, making sure that I eat, making sure that I get up, and I have a purpose in life, di ba?
“And si K [Karylle] gano’n din, she holds my phone kapag alam niya hindi ko na kaya. She talks to my daughters also kapag alam niyang hindi ko na kaya.”

THE LAST DAYS. Napagbigyan din ni Zsa Zsa ang media nang magkuwento siya ng ilang pangyayari sa mga huling araw na nakasama niya si Dolphy.
“Mayro’n talaga akong schedule ng first day na may shoot ako for I Do Bi Doo Bi Doo, kasi may three days pa akong natitira do’n, e.
"Si Eric magte-taping na, si Epy nagte-taping na, parang bumalik na tayo sa ginagawa natin.
“No’ng wala na ‘yong kuwarto, umiyak talaga ako nang husto kasi hindi na ako puwede na bastang bababa lang para makita siya.
“Naisip ko pa, kumuha kaya ako ng kuwarto. It’s not moving forward. So sabi ko, pigilan ko na ang sarili ko tutal mayro’n naman kaming shifting. Mayro’n kaming magsa-sign in kami kung kailan mo gusto.
“Napakasuwerte talaga ni Dolphy, katulad ng sinabi ko sa eulogy, binulong ko ‘yon sa kanya, ‘Ang suwerte-suwerte mo, ang dami-daming nagbabantay sa ’yo dito, ‘tapos ang dami-daming nagmamahal sa ’yo...'
"Sa pamilya namin, mga apo niya, pamangkin niya nando’n din, mga kapatid niya, palagi silang nandoon.”
Ngunit ang isa sa pinakahindi niya malilimutan sa mga huling sandali niyang kasama si Dolphy ay nang kinukulit niya ito sa ospital.
Nakangiting pag-alala ni Zsa Zsa, “Makulit ako sa kanya, e, kinukulit ko siya palagi dahil ayaw niya kaming nakikitang malungkot at umiiyak.
“So, lagi gano’ng tono, ‘Lovey! Lovey! I love you!’
"‘Tapos sabi niya bigla..."  Ginaya ni Zsa Zsa ang pagsabi ni Dolphy ng mga salitang “I love you” na walang boses.
"Sabi ko, ‘Oh, my God, you’re awake!’ Kasi no’ng day na ‘yon hindi mo alam kung gising pa siya.
“Kasi ‘yong mata niya, gumagalaw-galaw na gano’n, sometimes he tries to open his eyes pero ‘yong kilay niya lang ‘yong gumagalaw.
"Hindi ba kapag pasyente, hindi mo alam kung reflexes ‘yon o nagre-response talaga siya?
“So, senyales sa akin talaga ‘yon na nakikinig talaga siya, but from then on nga, bumagsak na nang bumagsak ‘yong blood pressure niya.”

STAYING STRONG. Ang masasayang alaalang ito ni Zsa Zsa kay Dolphy ang tumutulong upang matupad niya ang hiling ng partner na maging masaya sa kabila ng kalungkutan.
Kaya naman ang ginagawa ng aktres ay ang mabuhay bawat araw na tila hindi nawala sa kanyang piling ang Comedy King.
“Katulad kagabi, katabi ko si Nicole sa kama. And then sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Lovey ko, good night!’
"I just go, ‘Lovey! Lovey!’ gano’n lang ako nang gano’n.
“‘Tapos parang nai-imagine ko ‘yong boses niya na, ‘Kulet, ha, kulet!’
“Uhm, kagabi ginagawa ko na lang, I talk to him, ‘Good night, lovey!’ gano’n pa rin.
"Kinakausap ko na lang, kasi lahat sila sinasabi talagang mararamdaman mo ‘yong presence niya, I don’t feel that as much.
“I know ang pagkatao niya, talagang hirap na hirap siya umalis sa mundo.
“Uhm, mahal na mahal niya talaga kami, e. Sobrang pagmamahal niya sa amin, he couldn’t let go of us. Iniisip niya talaga paano na kami, alam ko ‘yon.
“Kaya ang lagi naming sinasabi, ‘Okay lang kami, ‘wag mo kaming intindihin.'
"I know up there in heaven he’ll take care of us, and nararamdaman ko naman ‘yon na ituturo niya kami—ako, mga anak niya, mga mahal niya sa buhay—sa tamang direksyon.”



No comments:

Post a Comment