Kahapon, August 17, ang unang taping day ng mga bida ng upcoming GMA-7 afternoon series na Sana Ay Ikaw Na Nga—sina Andrea Torres at Mikael Daez.
Kinunan ang mga eksena nila sa Laguna.
Inamin ni Andrea na talagang excited siya dahil ito na raw ang katuparan nang matagal na niyang gustong mangyari sa kanyang career.
“Para pa rin po akong nananaginip. I can’t believe first taping day na namin ni Mikael.
“Kami ang magiging bida—parang nakakakaba.
"Pero at the same time, excited ako, masaya kami ni Mikael para sa araw na iyon,” kuwento ni Andrea nang makapanayam siya ng Hot Pinoy Showbiz sa Executive Lounge ng GMA Network Center noong August 14.
“Ibinigay na po sa amin ang script at paulit-ulit kong binabasa. Tsine-check ko kung name ko nga ang nandoon—at name ko nga!
“Pasensiya na po kayo kasi masayang-masaya lang talaga ako.”
Last week ay nagkaroon na sila ng pictorial at kinunan na rin a few days ago ang TV plug nila ni Mikael para sa kanilang series.
Kuwento ni Andrea, “Noong pictorial nga po, yun ang day na sobrang lakas ng ulan sa Metro Manila.
"Ako nga ang unang nakarating sa pictorial, kasi ako lang ang hindi nabaha.
“Si Mikael kasi, he’s coming pa from Katipunan, baha yung paligid ng condo building niya. Even the rest of the cast, baha ang mga dadaanan nila.
“Akala ko nga po, hindi matutuloy yung pictorial dahil grabe talaga ang weather that day.
"Pero nagdatingan din sila nang paisa-isa. Natuloy din kami.”
SEXY TV PLUG. Noong kinunan ang TV plug nila ni Mikael, medyo may pagka-sexy dahil nakatakip sila ng puting kumot.
“Hindi naman po kami hubad sa ilalim ng kumot!” tawa ni Andrea.
“May suot naman akong damit, at si Mikael, meron din naman.
"Kailangan daw kasi romantic ang TV plug namin kaya gano’n ang pinagawa sa amin. Papasa naman daw po sa MTRCB ‘yon.”
Hindi raw nailang si Andrea sa ginawa nila ni Mikael para sa plug shoot na iyon. Alam naman daw niyang gentleman si Mikael.
“Comfortable na ako with Mikael. Kaya yung ginawa po naming plug shoot, okey lang.
"Noong sinabi po sa amin na gano’n ang gagawin, we just went for it kaagad.
“Alam naman namin ni Mikael na may mga gagawin kaming ganitong mga eksena sa series, kaya ready na kami. Hindi na kami nagdadalawang-isip pa.
“Sabi nga namin ni Mikael sa mga earlier interviews namin, we want to make our teamup work. Kaya importante po na we cooperate sa lahat ng mga eksena namin.
“Kahit na kissing scene pa 'yan, or may gagawin kaming love scene, we will cooperate dahil alam namin na para sa ikakaganda iyon ng show naming lahat,” wika niya.
THE NEW CECILIA. Pinag-aralan daw mabuti ni Andrea ang kanyang role sa Sana Ay Ikaw Na Nga bilang si Cecilia Fulgencio.
Dual role ang gagawin niya rito—isang mabait na Cecilia at isang impostor at masamang Cecilia.
Una itong ginampanan ni Tanya Garcia noong 2001.
Sabi ni Andrea, “Sa story conference nga po, sinabi na sa akin ang character ko.
"Hindi naman po nalalayo sa original story, kunsaan si Tanya Garcia ang gumanap na Cecilia.
“Nag-workshop na po ako for the series. Kailangan kasi magkaroon ng kaibahan ang kilos ko from the real Cecilia sa peke na Cecilia.
“From my body movements to the way that I talk, kailangan magkaiba.
"Kaya malaking challenge po ito sa akin.”
Marami raw ginawang changes sa takbo ng istorya ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa 2012 remake nito.
“Updated po ang story at may mga iibahing mga scenes para bumagay sa panahon ngayon.
“Iba raw kasi ang situation noong series ten years ago. Kaya meron silang iibahin at meron silang idadagdag.
“Kahit nga raw sa mga characters, meron silang ni-retain from the original at meron silang tinanggal na.
“Two years kasing tumakbo yung Sana Ay Ikaw Na Nga kaya lumaki ang cast nila noon.
"Ito naman daw po, one season lang kaya small cast lang ang kailangan.”
Kasama sa bagong cast ng Sana Ay Ikaw Na Nga sina Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza, Alicia Alonzo, Jestoni Alarcon, Ynna Asistio, Jace Flores, Jan Marini Alano, Marky Lopez, at Rita Avila.
Si Dick Lindayag ang magdidirek ng remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga, na magsisimula na sa September 3.
Ito ang papalit sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? sa tinatawag na GMA Afternoon Prime.

No comments:
Post a Comment