“Naku, panahon pa yata ng ano... last ko sa kanya Gorio at Tekla, e. Eighties. We were 17 then… 18 years old,” kuwento ni Roderick Paulate tungkol sa huling pinagsamahan nilang pelikula ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Parehong may special guest appearance sina Roderick at Maricel sa pelikulang Ikaw Na, Da Best Ka, na pinagbibidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola.
Ito ay prinodyus ng APT Productions.
Halos sabay ngang dumating sina Roderick at Maricel sa shooting ng pelikula noong Huwebes, August 16, sa Oasis Events Place sa Aurora Blvd., Quezon City.
Kuwento ni Roderick, “Ang ingay-ingay nga. Ang dilim-dilim do’n, nagkasigawan.
“Nagkatawanan na do’n. Nag-usap kami. Siyempre, na-miss namin dahil ganito yung chikahan pag gumagawa kami ng pelikula, e.
"Na-miss. Na-miss namin yung ganito!”
MOVIE WITH MARICEL? Kumusta naman ang nabalitang pelikula na pagsasamahan nila ni Maricel?
“Hindi, I think naman na dapat talaga matuloy yun," sabi ni Roderick.
"The mere fact, hindi ako nakakapagsimula doon sa pinirmahan naming kontrata, ibig sabihin dapat matuloy yung sa APT.
"Kasi yun lang naman ang nagiging ano…"
Siya ba ang may problema?
“Ako ba? Hindi ako. Hindi naman. Nagkataon lang.
"Yung script, yung gano’n. Pero nagkakagulo ng schedule, e.
"Pero… hindi ko rin maintindihan, e.
"Siyempre, dalawang pelikula sa produksiyon. Siyempre, di ba, isa kay Marya.
“Kaya nagkakagulo lang kasi yung feeling na dalawang produksiyon, parang gusto nila mauna yung Maricel-Roderick sa kanila. Parang gano’n lang.
"Siyempre may commitment naman ako kay Tatay,” patungkol ni Roderick kay Antonio P. Tuviera, owner ng APT Films at head ng TAPE Inc. na nagpu-prodyus ng Eat Bulaga!
JOSE & WALLY. Unang pagkakataon bang makakasama ni Roderick sina Jose at Wally?
“First time. Pero siyempre nakasama ko na sila pag nagge-guest ako sa Eat Bulaga!
“Na-miss ko lang yung concert. Hindi ko nakita yung concert nila, e.
"Maganda daw yung concert, nakakatuwa sila," pagtukoy niya sa matagumpay na concert ng comic duo na Party for All Juan noong March ngayong taon.
“In fact, yung pamangkin ko ang natutuwa sa kanila kaya maganda 'to na nag-guest kami dito.”
HIS SHOWBIZ CAREER? Kumusta naman ang kanyang career?
“Busy pa rin. Masaya. Tuluy-tuloy pa rin. Ang daming shows.”
Anu-anong shows ang mga ito?
“'Wag na. Nakakahiya naman. Ang laki-laki ng letra, o!” sabay turo ni Roderick sa microphone ng ABS-CBN, na nasa kanyang harapan dahil ang kanyang mga babanggitin ay GMA Network shows.
Tatlo ang shows ni Roderick ngayon sa GMA-7: Tweets For My Sweet, H.O.T. TV, at Protégé.
ALL'S WELL? Masasabi ba niyang at peace siya ngayon? May preventive suspension kasing nakapataw kay Roderick bilang councilor ng second district ng Quezon City.
Ito ay sanhi ng pagkakasangkot niya sa usaping pagha-hire diumano ng ghost employees sa kanyang opisina.
Sagot ng actor-politician, “A, dapat lang naman. Tumatakbo lang naman ang buhay. Tuluy-tuloy lang.
"Ayoko namang maging problema ano at maging malungkot araw-araw. I don’t deserve that.
“Alam mo sa tingin ko, a... Sa nangyayari, minumuni-muni ko, di ba? Mas tine-train ka. Mas pinapatatag ka. Lalo na kung alam mong nasa tama ka.
“Maging matatag ka. Siguro, ano lang… anong tawag do’n? Training, kasi first time. May tawag sila no’n, e—sinasampolan ako.
Basta manalig lang. Manalig lang at malalampasan natin.”
Kumusta naman ang kanyang mga nasasakupan nitong nakaraang pagsagupa ng matinding ulan dala ng hanging habagat? Nag-feeding program ba siya ulit?
“Oo, ang dami. In fact, August 7 yung bugso ano? August 6 pa lang, nagpi-feeding na kami.
"Kasi malapit yun sa barangay ko. Lalo na yung Bagong Silangan, yung laging pinupuntahan ni Presidente.
"Yun, yung lagi kaming nagpapakain.”
Mabuti at may pera pa siya para sa kanyang proyekto?
“Bakit naman hindi, e, nandiyan naman si Malou Fagar? Andiyan naman si Tatay Tuviera,” pagbanggit niya sa top executives ng TAPE Inc.
“Eto na, alam mo, nagpasalamat ako, hindi naman sa ano talaga… Kaya lang, habang nangyayari ito, mabait ang Diyos. Yun lang ang masasabi ko.
"Kasi mas lalo akong minamahal ng tao sa barangay namin at saka sa district namin.
“Dumami ang trabaho, dumami ang nagtiwala. Pag bumababa ako, mas nararamdaman mo yung… alam nila.
“Ang maganda dito, yung distrito ko, mulat.
"Mulat sa katotohahan. At mulat sila kung anuman ang nangyayari sa distrito ko kaya mahal na mahal ko sila."
IN POLITICS FOR PUBLIC SERVICE. Ano ang mas matindi o mas mahirap: politics o showbiz?
“Alam mo, sa showbiz—mas lalo kong minahal ang showbiz.
"Kasi dito, sa totoo lang, alam natin lahat ang nangyayari. Alam mo kung sino yung umaaway sa ‘yo.
“'Tsaka dito pa, pag masama loob mo, galit ka, nagsasalita ka sa TV Patrol, di ba? O, ayan nabanggit na, di ba?
"Nagsasalita ka sa 24 Oras. Nagsasalita ka. Laglagan, nag-aaway. Alam mo kung sino yung naninira sa 'yo.
“Dito sa mundong pinasok ko, parang… hindi mo alam. Hindi mo alam kung sino ang tumitira sa ‘yo.
"At yun nga, may mga lessons na nakukuha natin sa mga kaibigan natin na may implication naman kung bakit ka tinira.
“Bakit mo sisiraan ang isang tao? Ibig sabihin, naiinggit ka at maganda ang ginagawa.
“Alam mo, meron din palang setback yung… meron din palang negative effect yung maganda ang survey mo," pagtukoy niya sa mataas na approval rating sa kanya ng tao.
“Kasi magagalit pala sila pag minamahal ka tao. Mahal ka nila, tapos ang taas ng survey mo. Parang pag-iinitan ka.”
May pagsisisi ba siya sa pagpasok sa pulitika?
“Ayoko naming sabihing pagsisisi kasi ang ipinunta ko talaga dito e public service.
"‘Pag sinabi kong pinagsisisihan ko, e, nag-drama lang ako. Hindi.
"In fact, uulitin ko, ‘I love public service.’ Yung politics lang ang talagang matindi.”

No comments:
Post a Comment