Kung may ikinaka-excite man ngayon si Dingdong Dantes, ito ay ang nalalapit nang pagpapalabas sa mga sinehan ng Tiktik: The Aswang Chronicles.
Bukod sa pagiging bida ng pelikula, isa rin si Dingdong sa producers nito—sa pamamagitan ng kanyang Agostodos Pictures—kasama ang Reality Entertainment, Post Manila, at GMA Films.
Nang makausap ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang entertainment press si Dingdong sa grand launch ng 20 finalists ng Protégé: The Battle for the Big Artista Search, noong Linggo, August 5, sinabi niyang nagsisimula na sila ng promotion para sa Tiktik.
Ipalalabas na kasi ito sa October 17.
“The promotion started na, months ago, noong ni-launch namin ang komiks. So, by this month, nasa National Bookstore na siya.
“Yung movie, fully-CGI [Computer Generated Image] from start to finish,” pagmamalaki ng Kapuso actor.
Higit sa pressure, mas lamang daw ang excitement ni Dingdong na malapit nang mapanood ng mga tao ang Tiktik.
Saad niya, “Mas matindi ang excitement because bukod sa nandoon ako para gumanap bilang artista, kumbaga, on top also of being a producer, parang very excited ako sa fact na I will be part of something na breakthrough, na groundbreaking, a first in Philippine Cinema.”
Ang director ng Tiktik ay si Erik Matti.
DINGDONG AS FILM PRODUCER. Nakapag-produce din ng pelikula si Dingdong noong isang taon, ang Segunda Mano, kunsaan ang Star Cinema naman ang co-producer nila ni Kris Aquino.
Pero ang Tiktik ang pinakamalaking production, so far, ng Agostodos Pictures. Dalawang taon halos ginawa ang pelikula dahil sa post-production at special effects nito.
Sabi ni Dingdong, “Sa lahat naman, kahit sa Segunda Mano, all out naman ako do’n. Dito, ganoon din.
“Pero magkakaiba sila ng konsepto, so iba-iba rin.”
Ayaw namang i-reveal ni Dingdong kung ilang milyon ang inabot ng pelikula.
“Basta para sa akin, hindi mo matutumbasan ng kahit na anong halaga yung dedikasyon ng gumawa. Alam kasi nila na hindi ito normal film na magagawa mo every three months, e,” sabi niya.
Dapat daw talaga ay pang-Metro Manila Film Festival ang Tiktik noong isang taon.
Saad ni Dingdong, “Originally, dapat pang-filmfest pa ‘to last year, pero I talked to them and I chose to do Segunda Mano first.
“And then, although ano na siya, gawa na siya noong time na yun.
“As early as last year, tapos na siya, post-prod na lang. Pero tinitiyempo lang namin kung kailan siya magandang ipalabas.
“Meron din kasi akong filmfest [entry] ngayon, yung One More Try.”
Kasama ni Dingdong sa One More Try sina Angel Locsin at Angelica Panganiban. Idinidirek ito ni Ruel Bayani para sa Star Cinema.
May mga kumokontak na rin daw sa kanila na organizers ng international film festivals, pero hindi pa lang nila maibigay ang Tiktik.
“Hindi kami makapagbigay dahil hindi siya matatapos.
“They want a finished product by September. Sabi namin, we can’t pa.
“So, naka-lineup na agad ang mga pagsa-submit-an and, in fact, sila na ang tumatawag.
“Nakita nila ang preview and they are very interested. They really want to bring it across the globe,” saad ni Dingdong.
Ano ang satisfaction na naibibigay sa kanya ng pagiging producer sa kabila ng malaking investment na hinihingi sa kanya nito?
“Iba,” sagot ng Kapuso actor-TV host.
“Iba, kasi mas tumataas ang respeto ko sa industry, dahil hindi siya madali.
“Hindi siya madali lalo na kapag ginagawa mo na yung mismong detalye. Yung mga decision-making kahit sa maliliit na bagay.
“Kapag dinesisyunan mo ‘to, ganito kalaki ang magiging epekto, hindi lang sa isang tao kung hindi sa maraming tao.
“At dahil sa experience kong ito, mas napamahal ako lalo sa industriyang kinabibilangan ko.”
Aminado si Dingdong na isa sa mga plano niya talaga sa kanyang career ay ang pagtrabaho sa likod ng kamera.
Noon ay nagawa na rin niyang maging direktor sa ilang shows ng GMA-7 (Kakabakaba Adventures) at pati na ng pelikula (Angels).
“Ito naman talaga ang gusto ko kahit noon pa,” sambit niya.
SPECIAL DOCUMENTARY. Ngayong Agosto ay mapapanood na ang unang bahagi ng two-part special documentary na ginawa ni Dingdong para sa GMA News TV, ang Hapag.
Bago siya umalis noong isang linggo para magbakasyon sa Hong Kong—kasama ang kanyang pamilya at kasintahang si Marian Rivera—nag-shoot muna siya sa mismong bahay ng Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal, sa Calamba, Laguna.
Tungkol saan ba ang Hapag?
“It’s a documentary para sa Araw ng mga Bayani featuring sila Jose Rizal… yung mga bayani natin, sila Ninoy [Aquino].
“Titingnan natin kung ano ang mga paborito nilang pagkain.
“Iinterbyuhin natin ang mga dati nilang cook. Ie-explain nila kung bakit ito ang kinakain nila noong araw.
“From there, makakapulot tayo ng mga historical moments na hindi mo mababasa sa libro, pero naikukuwento mismo, hands-on, ng mga taong nag-prepare.”
Bukod sa pagiging host ng documentary special na ito, pupunta siya mismo sa mga tirahan ng mga bayaning ito. May segment din daw na siya pa mismo ang magluluto.
NEXT TELESERYE. Nang tanungin naman ng PEP si Dingdong sa susunod niyang teleserye sa GMA-7, itinuro nito ang head ng entertainment group ng Kapuso network na si Ms. Lilybeth Rasonable.
Ito na raw ang tanungin dahil ang lady executive daw ang nakakaalam.
Wala ring ideya si Dingdong sa naisusulat na diumano’y tungkol sa kuwento ng Muslim ang susunod niyang primetime series.
“Wala pa pong sinasabi kung ano, magsi-set pa lang ng meeting.”
Nagulat ang aktor dahil ilang entertainment press pa ang nagsasabi sa kanya na ganoon nga raw ang tema ng susunod niyang soap.
“Hindi ko pa talaga alam, yun ang totoo!” natatawa niyang sabi.

No comments:
Post a Comment