Bagamat abala sa ilan pang pahabol na dubbing para sa kanilang pelikulang Just One Summer, nakapaglaan pa rin ng oras sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona upang tumulong sa mga nasalanta ng masamang panahon.
Noong Lunes, Agosto 6, nagsimula ang pagbuhos ng malakas na ulan, at noong araw na iyon ay kasama pa namin sila para sa shooting ng Hot Pinoy Showbiz Talk, ang kauna-unahang talk show online.
Kagabi, Agosto 10, ay nagtungo ang dalawa sa telethon, isang proyektong isinasagawa ng GMA-7 upang mangalap ng tulong para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Dito’y eksklusibo silang nakapanayam muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at dito'y ikinuwento nila ang nangyari sa kanila noong kasagsagan ng ulan.
Na-stuck ang dalawa sa dubbing studio, at bandang alas singko na ng umaga nakauwi si Julie Anne.
Nang makarating sa kanilang bahay, saka lang nakinga nang maluwag ang dalaga
Pero nakaramdam din daw siya ng “pagka-guilty” habang pinapanood ang mga balita tungkol sa mga nasalantang lugar sa Metro Manila.
“Ako, nasa bahay lang po ako, safe naman po ako, and marami po akong nakikita sa news, especially sa Twitter.
“Like, for instance, may nasa bubong na bata, na kailangang- kailangan daw nila ng tulong, and duon na-realize ko lang na I’m so lucky na safe pa din ako.”
Si Elmo naman ay medyo nagtagal pa sa studio dahil maliit lamang ang nadala niyang sasakyan.
Kuwento niya, “We went straight sa dubbing, 'tapos until midnight, or after midnight ako nandoon.
“Then by that time, tuluy-tuloy na 'yong ulan. Nasa may Sampaguita studios kami, e 'yong part na 'yon is beside a creek.
“So, malakas talaga 'yong waters doon. 'Yong roads po talaga, hindi namin madadaanan kahit anong gawin namin, kasi mataas talaga siya!
“So, we waited muna na mag-stop 'yong rain para puwede kaming makauwi. Then noong nakauwi ako, it’s around 7:00 a.m. na.”
CROWDED METRO MANILA. Mayroong opinyon si Elmo tungkol sa dumating na kalamidad na ikinabuwis ng maraming buhay at nakapinsala sa malaking bahagi ng Metro Manila at ilang kalapit na probinsiya.
Tingin daw niya, ang mga gusaling nakatirik sa maling mga lugar ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbabaha sa bansa, partikular na sa Metro Manila.
Aniya, “I heard it’s all because of the landmarks na pinapatayo ngayon, kasi parang hindi na sinusunod 'yong mga… 'yong hindi na puwedeng tayuan ng mga building, pero tinayuan pa rin po.
“‘Yong sa ground kasi parang may ine-excavate dyan, so feeling ko po kaya siya mas nagiging worse this time.
"I’m really worried about it kasi up to now mas marami pa ring 'pinapatayong mga buildings for offices, for call centers, for condominiums, mga malls.
“So, marami pa rin 'pinapatayong mga buildings, so I think dapat lang hindi masyadong maging… 'Yong walang space para makahinga 'yong land, 'yong parang magkakadikit na 'yong mga buildings. I think 'yon ang nagko-cause nito, e, ng mga calamities.”
HELPING FLOOD VICTIMS. Mapalad na maituturing sina Elmo at Julie Anne dahil hindi sila nasalanta ng masamang panahon, kaya naman agad silang nagpadala ng tulong sa mga nangangailangan.
Ayon kay Elmo, agad na namili ng relief goods ang kanilang pamilya upang i-donate sa iba’t ibang relief operations.
Ang iba raw ay ipinadala nila sa GMA Kapuso Foundation, at ang iba’y ibinigay nila sa mga evacuation sites sa Mandaluyong, kung saan sila nakatira.
Si Julie Ann naman, magpe-pledge ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, at gayundin ay magbibigay ng iba pang donasyon.
Bukod sa kanilang mga personal na pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad na ito, ibinalita rin nila sa atin na ang bahagi ng kikitain sa pelikula ay mapupunta sa Kapuso Foundation.

No comments:
Post a Comment