Tinupad ni Marian Rivera ang kanyang pangako na sa kanyang kaarawan ay may bubuuin siyang proyekto sa Philippine National Red Cross.
Nabanggit ng Kapuso actress noon na gusto niyang mayroon siyang gawin para sa naturang ahensiya bilang selebrasyon sa kanyang 28th birthday.
Ngayong araw, August 11, ay magkakaroon ng blood-letting program sa Ever Gotesco Commonwealth, na magsisimula ng alas-dose ng tanghali hanggang alas-sais ng gabi.
Sabi ni Marian sa Hot Pinoy Showbiz, “Ang hingin ko lang siguro sa birthday ko, nananawagan ako sa mga taong sumusuporta sa akin, dahil meron akong event.
“Kasama ko po rito ang Philippine National Red Cross, bukas po ‘yan, August 11, sa Ever Gotesco sa may Commonwealth.
“Sa lahat ng mga taong gustong mag-donate ng kanilang dugo, iyon na lang po ang birthday gift nila sa akin.
“Wala naman kasi akong naisip kapag tinatanong ako kung ano ang gusto ko sa birthday ko.
“Tapos na-realize namin ng Red Cross at saka ng manager ko, si Popoy [Caritativo], na bakit hindi ganito na lang ang gawin naming event para makatulong naman kami at saka sa Red Cross din.”
FRIENDS FROM SHOWBIZ. Pinakiusapan din ni Marian ang mga kaibigan niya sa showbiz na sumama sa kanya para magbigay ng kasiyahan sa mga taong pupunta sa event na iyon.
Sabi ng Kapuso Primetime Queen, “Tinext ko ang mga kaibigan ko sa showbiz na kung puwede mag-perform sila para sa mga taong nandun, at hindi naman ako nabigo dahil nag-reply naman sila agad na pupunta daw sila.
“Parang regalo na lang nila sa akin. Kaya sa lahat na pupuntang artista, thank you talaga.
“Okay lang kahit walang gift, at yung gift nga na hinihingi ko ay pumunta sila sa Ever Gotesco Commonwealth at mag-donate ng dugo.”
Kung gusto rin daw kasi ng mga kaibigan niyang mag-donate ng dugo, ikatutuwa raw niya ito.
Gusto rin daw kasing mag-donate rin ni Marian, pero hindi siya pinayagan ng kanyang doktor.
BIG CELEBRATION. Itinuturing ni Marian na malaking selebrasyon na ito para sa kanyang kaarawan.
Pahayag niya, “Sobrang blessed ko naman, e.
“At kung ano man ang nabigay sa ‘yo ng Diyos, dapat makuntento ka na.
“At kung meron ka pang hilingin, kailangang paghirapan mo yun, trabahuhin mo yun, at lahat naman nakukuha sa dasal.
“Saka hindi naman ako bumabata, so gusto ko, habang dumadagdag ang edad ko, dapat maging makabuluhan naman ang kung anong buhay meron ako.”
ACTUAL BIRTHDAY. Bukas, August 12, ang mismong kaarawan ni Marian.
Ayon sa kanya, baka magpa-dinner lang siya sa pamilya niya at mga malalapit na kaibigan.
“Sa Sunday kasi magpa-Party Pilipinas ako.
“At after Party Pilipinas, magtse-church ako, kasama ko ang family ko. Si Dong din kasama namin.”
Si Dingdong Dantes ang longtime boyfriend ni Marian.
“After nun kasi, magpu-Protégé siya. So mag-dinner lang siguro ako with my family, then ang mga close ko na kaibigan."
Sa Protégé, ginagampanan ni Dingdong ang papel ng "live gala presenter" tuwing Linggo.
Dagdag ni Marian, “After Protégé, saka na lang kami magkita ni Dong.
“Parang gusto pa niya yata mag-absent sa Protégé, pero sabi ko hindi na, okay lang iyon. Trabaho lang 'yan, e.
“So after Protégé, puwede pa uli kami magkita."

No comments:
Post a Comment