Maituturing na masuwerte si LJ Reyes ngayong 2012.
Bukod sa sunud-sunod na projects sa GMA-7, marami ang nakapansin sa ipinakita niyang mahusay na pagganap sa pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino, isa sa New Breed entries sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.
Pagkatapos nito ay ilulunsad na siya ng Kapuso network bilang bida sa early primetime series na Aso Ni San Roque.
Nagkaroon na ng story conference para sa proyektong ito at malapit na silang magsimula mag-taping.
Sa pakikipag-usap ng Hot Pinoy Showbiz kay LJ sa opisina ng PPL Entertainment noong Lunes, August 6, ay nagkuwento siya tungkol sa bago niyang project.
Drama raw ang Aso Ni San Roque, pero may halo itong konting fantasy at ilang mythical creatures sa Filipino folklore, tulad ng aswang at manananggal.
MANANANGGAL. Naalala ni LJ na nagbiro siya noon na nagampanan na niya halos lahat ng kakaibang roles—"kontrabida, pokpok, aswang..."
Idinugtong niyang baka raw sa susunod ay manananggal naman ang kanyang gampanan, at tila nagdilang-anghel siya dahil ito nga role niya sa Aso Ni San Roque.
Alam na ba niya noon na ang Aso Ni San Roque ang susunod niyang project?
“Hindi ko pa alam… promise, hindi ko pa alam!” natatawa niyang sabi.
“Actually, kasama namin dito si Mona Louise Rey at saka yung aso. Parang adventure siyang mangyayari every week.”
Ang bidang asong tinutukoy ni LJ ay siya ring gumanap na alaga ni Eddie Garcia sa Cinemalaya 2012 entry na Bwakaw.
Ano ang challenge ng proyektong ito sa kanya?
“Challenge? Ang dami!" bulalas ni LJ.
"Hindi man ako aswang dito dahil manananggal, pero kung 'papag-stunt nila ako, kaya ko na 'yan dahil nagawa ko na sa Aswang...sa Tiktik: The Aswang Chronicles.
“Pero emotionally, bago talaga dahil ngayon lang ako magpo-portray ng character na may anak.
“At saka, mabigat, kasi hindi naman talaga siya mangyayari sa totoong buhay. So kailangan, matindi ang imagination mo.
“Yun ang crucial kapag fantasy, e. Kasi siyempre, minsan kapag nagte-taping, hindi naman nakakatakot ang kaharap mo, pero dapat sa TV lalabas siya na nakakatakot talaga.”
FROM KONTRABIDA TO BIDA. Ano ang naging reaksiyon ni LJ nang malamang bida na siya at pang-primetime pa ang gagawing project?
“Ano… nakaka-pressure, siyempre. Kahit papaano, negosyo pa rin 'to. Iisipin mo pa rin ang mga ratings.
“Pero yun nga, sabi nga nila sa akin, hindi naman daw nila ipagkakatiwala sa akin kung hindi nila alam na kaya ko.
“So yun, nakakabawas yun ng pressure sa akin. Pero kailangan sigurong gamitin ko na lang ang pressure para galingan ko na lang.
“Sabi ko nga, magpapakabait at magpapakabait ako lalo at, ano, magtatrabahong mabuti at gagalingan lalo," saad niya.
MOTHER ROLE. Dito sa Aso Ni San Roque ay nanay siya ng child actress na si Mona Louise Rey, pero wala raw problema ito sa kanya.
Aniya, “Maganda kasi ang role. Nabasa ko na ang pilot week. Kapag nakita ninyo ang week one, ang ganda.”
Naniniwala si LJ na nakatulong ang ginawa niya sa Intoy Syokoy para mas mabigyan siya ng pansin ng kanyang home network.
Sabi niya, “Malaki talagang tulong kapag nakikita nila.
“Kung hindi ka naman nabibigyan ng project para ipakita mo yung talagang talent mo o skill mo, walang makakaalam.
“Walang makakapagpatunay kung ano yung kaya mong gawin.
“So, thankful din talaga ako sa Intoy Syokoy, na napakita ko, at marami naman ang nakaramdam.”
CINEMALAYA. Sa nakaraang awards night ng Cinemalaya ay hindi pinalad manalo si LJ ng Balanghai trophy para sa pagganap niya sa Intoy Syokoy.
Ito ay sa kabila ng magagandang reviews na nakuha niya at sa kabila ng maraming hula na siya ang mananalo ng Best Actress sa New Breed category.
Ang nagwagi sa kategoryang ito ay si Ama Quiambao, para sa pelikulang Diablo ni Mes de Guzman.
Nag-expect ba siyang manalo?
Sabi ni LJ, “Honestly, hindi. Kasi nga, sinet ko na ang mind ko na, ‘Ay, ayoko talaga!’
“I mean, ayokong i-pressure o i-expect na mananalo ako. Kasi, kapag once na yun ang 'nilagay ko sa utak ko, madi-disappoint ako.
“Kaya sabi ko, ‘Hindi, hindi ikaw ang mananalo dahil ang dami diyan na magagaling.’
“At saka, before pa nitong awards night, alam ko na ang project [Aso Ni San Roque].
“Kaya ako, ‘Thank you, Lord, sobrang thank you na binigyan Ninyo ako ng ganitong project sa GMA.’
“Sabi ko, ‘Hindi na po ako hihingi ng kahit na ano pa. Hindi ko na po kailangan pa ng award.
"'Pero kung bibigyan Ninyo pa rin po, okay rin, mas maganda pa nga po.
“'Pero kung hindi na at sa tingin Ninyo, may mas deserving pa sa award, ibigay Ninyo na lang po sa kanya.
“’Pero 'eto po, sobrang saya ko na talaga.’"
Um-attend si LJ ng awards night ng Cinemalaya, pero hindi nabawasan ang kasiyahan niya kahit hindi niya pangalan niya tinawag na nanalo.
“Actually, before pa na Best Actor at Best Actress ang tinawag, tinawag muna ang Best Supporting Actor at si Joross Gamboa ang tinawag.
“Sobrang saya ko rin kasi for Joross.”
Co-star ni LJ ang nanalong Best Supporting Actor na si Joross sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino.
OFF TO NEW YORK. Ngayong August ay pupuntang New York si LJ kasama ang anak na si Ethan Akio.
Sabi niya, “Dadalawin ko naman muna ang nanay ko. Pero sandali lang naman dahil may taping pa ng Aso Ni San Roque.
“Sabi ko nga, kahit pagdating na pagdating ko, taping na agad!”

No comments:
Post a Comment