Sa eksklusibong naging panayam ng Hot Pinoy Showbiz sa isa sa mga bida ng Aryana na si Paul Salas, abot-abot pa rin ang kanyang pasasalamat sa walang tigil na suporta sa serye. “Siyempre nagpapasalamat kay Lord saka sa mga fans kasi kung wala naman sila wala kami dito at sa mga friends ko kasi di naman po namin akalain na magiging ganito kalakas ang Aryana masayang-masaya po ako at nagpapasalamat.”
At sa tagumpay na natatamasa ngayon ng Aryana, hindi maikakailang dahil din ito sa trending na tambalan ng mga kasama niya na sina Dominic Roque at Ella Cruz. At nang matanong namin si Paul kung ano pakiramdam niya na mas nakakakuha ng maraming suporta ang love team nina Dominic kumpara sa tambalan nila ni Ella na nauna sa serye, ang prangkang sagot ng binata ay, “Wala po akong pakialam dun basta lumalabas ako sa Aryana ok na ako dun. Mas ok na yung ganun kaysa sa iniisip ko yung ganun. Waste of time lang po yun. Gawin ko na lang po yung best ko.”
Madalas sa mga teleserye, ang mga orihinal na magkatambal ang mas malakas na tinatangkilik tulad ng tambalan nila ni Ella ngunit sa pagpasok ng bagong karakter ni Dominic na si Hubert mas nakakuha ito ng mas malakas na following mula sa mga tagasubaybay ng Aryana base na rin sa mga reaksiyon sa mga social networking sites “Hindi ko nga po alam pero bagay naman sila. Ok lang naman po at least tumatatak si Marlon (karakter ni Paul) na laging brokenhearted, laging kawawa. Ang dami ngang nagtu-tweet sa akin na pag nagkakasakit si Marlon, sad na rin kami so parang nakakatuwa na sad yung favorite character nila sa Aryana. Wala naman akong iniisip na kailangan ako yung favorite na ka-love team, na kailangan ako yung love team.”
Natanong din namin si Paul dahil sa tambalang ito, nakakaramdam na rin ba siya ng kumpetisyon sa kanila ni Dominic Roque, “Kasi hindi ko pa nga alam yung competition kasi bata pa lang ako. Wala pong may competition kasi best friends po kami at ginagawa lang po namin yung best namin.”
Ngunit inamin din ni Paul na nangangamba siya sa mga fans na nag-aaway-away dahil sa love triangle nila sa serye, kaya naman may pakiusap siya sa mga ito. “Sana iintindihin nila at sana ‘di mag-away-away kasi script lang naman yun saka taping lang naman yun kaya sana di sila magkapikunan. Yung iba may Team Hubert, yung iba may Team Marlon so yun ok naman sila.”
Kinukwento din ni Paul na best friends na nga ang turingan nila ng mga kasama niyang cast sa Aryana kaya naman natanong namin kung napag-uusapan ba nila ni Dom ang kahihinatnan ng love team nila kay Ella at inamin naman ni Paul na napagkukwentuhan nila ito, “Opo, nag-uusap po kami ni Dom tapos, ‘Sino kaya ang mgiging love team ni Aryana?’, ‘Siyempre ikaw’ sabi ko tapos sabi niya, ‘Hindi e, pang-epal lang ako dito ikaw yung nauna.’ Ayun po, parang pinag-uuspan na rin namin yung mangyayari kasi wala kaming idea kung sino po yung magiging ka-love team talaga.”
At nang tanungin namin si Paul kung sakaling si Hubert at si Aryana ang magkatuluyan sa huli, may nakatutwang eksena na siyang naisip na ibinahagi. “Maganda yun, magkayakap sila sa ending tapos ako nandun lang sa likod nila sumisilip. Kung ako din ang magiging writer ganun kasi mas tatatak sa tao na kawawa si Marlon na akin ka na lang, so yun po. Parang excited na rin po kasi di pa ako nakakaganun na role na nasasaktan, taken for granted, mga babaeng mahal niya nawawala sa buhay niya so gusto ko ng ganung role.”

No comments:
Post a Comment